Yay! Pilipinas wagi bilang leading beach destination sa buong mundo

Kinilala ang Pilipinas bilang world’s leading beach and dive destination ng World Travel Awards Grand Final Gala Ceremony.

Ginanap ang awarding sa Muscat, Oman, noong November 11, 2022.

Ito ang kauna-unahang beses na kinilala ang Pilipinas bilang “the world’s leading beach spot,” ulat ng CNN Philippines.

Ang World Travel Awards brand ay “recognised globally as the ultimate hallmark of industry excellence,” ayon sa website nito.

Simula 1993, kinikilala at pinararangalan nito ang kagalingan ng travel at tourism sectors at hospitality industries.

Ang main office nito ay sa London, United Kingdom.

PHILIPPINE BEACHES: OUR COUNTRY’S PRIDE

Bukod sa pagkilalang world’s leading beach spot, pang-apat din ang bansa bilang “world’s top dive haven.”

Pagdating sa mga nominado, tinalo ng Pilipinas ang higit labingwalang (18) beaches at sampung (10) dive destinations sa iba’t ibang bansa.

Dinaig ng Pilipinas ang Maldives, na kilalang beach spot sa South East Asia at madalas ay nasa top list ng mga international personalities at celebrities.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Walang dudang pang-international ang reputasyon ng ilang beach spots sa Pilipinas, tulad ng Coron sa Palawan, Boracay sa Aklan, Panglao Island sa Bohol, White Island sa Camiguin, Siargao sa Surigao del Norte, Pagudpud sa Ilocos Norte, at marami pang iba.

philippines beach

3 PANG PH BRANDS KINILALA NGAYONG 2022; IBA PANG NOMINASYON

Hindi rin nagpatalo ang ilang hotels at isang diving sport sa World Travel Awards.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Pre-pandemic, nauso na ang mga staycation sa hotels. Dito mas naipapakita kung ano ang puwede nilang mai-offer sa guests.

Kanya-kanya namang post ng hotel staycation experiences sa social media ang mga guests.

The more pictorial spots to show, the better ‘ika nga.

Dito nakilala at nahirang ang Ascott Global Bonifacio City bilang World’s Leading Service Apartments 2022 at ang City of Dreams sa Pasay bilang World’s Leading Casino Resort 2022.

Hinirang naman ang Amanpulo bilang World’s Leading Dive Resort 2022.

Sa kabilang banda, umani rin ng iba pang nominasyon ang Pilipinas mula sa award- giving body.

Narito ang iba pang kategorya: World’s Leading Island Destination 2022, World’s Leading Tourist Board 2022, Asia’s Leading Tourist Board 2022, at Asia’s Leading Wedding Destination 2022.

Samantala, itinuturing na “global victory” para sa Pilipinas ang mga pagkilalang ito.

Sabi ni Tourism Secretary Christina Frasco sa isang statement, “The recognition as World’s Leading Beach and Dive Destination by the World Travel Awards 2022 is a global victory for the Philippines that evinces the unparalleled beauty of the country and the distinct warmth of the Filipino people.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

philippine beaches

Kasama rin ang Pilipinas at iba pang local brands na kinilala para sa kategoryang top spots in Asia ng World Travel Awards.

Kabilang dito ang makasaysayang Intramuros na kinilalang Asia’s Leading Tourist Attraction 2022.

Ngayong tila nasa tail end na ang pandemic, bukas na ang turismo sa iba’t ibang panig ng mundo.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Nagsisilbing inspirasyon ang awards na ito para lalo pang pagandahin at pag-ibayuhin ang turismo sa bansa.

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post The Rise of the Police-Advertiser
Next post Green Bombshell: New Evidence Points to the Annual Slaughter of Millions of Bats by Onshore Wind Turbines