Winwyn Marquez reveals dad Joey Marquez and mom Alma Moreno are “obsessed” grandparents

Natutuwa si Winwyn Marquez kung paano maging lolo at lola ang kanyang mga magulang na sina Joey Marquez at Alma Moreno.

“Obsessed na obsessed sila sobra, lalo na si Daddy!” bulalas ng aktres sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Dagdag ni aktres tungkol sa kanyang ama, “Tuwing nakikita niya si Luna, parang maiiyak.”

Noong May 2022 ipinanganak si Luna Teresita Rayn, ang unang anak ni Winwyn sa kanyang non-showbiz fiancé na si Rayn.

Kuwento pa ni Winwyn, birong-totoo raw ni Joey na siya ang mag-aalaga kay Luna para makapag-concentrate si Winwyn sa kanyang showbiz career.

Pag-amin naman ng aktres, “Kahit gusto kong gawin yun, ang hirap talagang iwan ang baby e, yung mahiwalay sa iyo yung baby. Hindi ko pa kayang gawin.

“Siguro bibisita na lang muna sa lolo niya, ganun. Ganun lang muna yung dynamics namin ngayon.”

WINWYN WANTS TO PURSUE ACTION ROLES

Samantala, maraming gustong ma-achieve si Winwyn sa kanyang career.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Isa na rito ang malinya sa action genre, at willing daw siyang gumawa ng sarili niyang stunts kahit delikado.

Aniya, “Iyon yung gusto ko talagang gawin, action.”

Pagdating naman sa leading men ay mayroon ding wish list si Winwyn.

“Alam niyo, gusto ko kasi talaga mga veteran actors, like Christopher de Leon, na hindi naman po love team, ha? Tirso Cruz [III], sila yung mga gusto kong makasama.

“Kahit hindi pa ako lead, kahit support lang ako, makatrabaho ko lang sila okay na sa akin,” dagdag pa niya.

Sinabi niya raw ito sa kanyang ama.

Natatawang kuwento ni Winwyn, “Nakakatawa nga si daddy, sabi niya nung sinabi ko, kasi siya yung una ko pong sinabihan, ‘tapos sabi niya, ‘Totoo ba? Totoo ba?’

“’Tapos, tuwang-tuwa siya. Siyempre komedyante ang tatay ko, ‘Talaga ba?’”

DAUGHTER LUNA IS winwyn’s LUCKY CHARM

Marami naman ang nagsasabing mas magiging mahusay na dramatic actress si Winwyn ngayong isa na siyang ina.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Kumabaga, mas may “hugot” na siya ngayon kumpara sa noong wala pa siyang anak.

Sang-ayon naman si Winwyn dito.

“Totoo talaga yun kasi yung pain, kasi normal delivery ako, di ba yung mga pinagdaanan, yung labor? So feeling ko, iyon yung mga paghuhugutan ko na dapat galingan ko, yung mga roles,” at tumawa si Winwyn.

“So sana mabigyan pa ng mga opportunities na magagandang films.”

Iba rin daw ang fulfillment na nararamdaman niya bilang isang ina.

“Ngayon alam ko na yung sinasabi nila na pag mommy, ganito, ganyan. Kahit pagod ka, kahit wala kang tulog, makita mo lang ngumiti yung anak mo mawawala na yung pagod.

“And I consider my child, my daughter as my lucky charm kasi nung in-announce kong pregnant ako, ipapalabas pa lang yung Nelia. I was almost six months.”

Isinapubliko ni Winwyn ang tungkol sa kanyang pregnancy sa kanyang YouTube channel noong December 17, 2021.

Kinabukasan ginanap ang mediacon ng Nelia, at ipinalabas ang pelikula noong December 25 bilang entry sa 2021 Metro Manila Film Festival.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Ngayon magsi-six months na rin siya, may award naman akong Best Actress for Nelia, so feeling ko talaga siya yung lucky charm ko.

“Kasi nung first ko rin na bumalik sa work is nagkaroon ako ng movie with Nora Aunor after kong manganak [kay Luna]. So feeling ko siya yung, ‘Mama ito yung gagawin mo.’

“Feeling ko siya yung lucky charm ko talaga, iyon yung iniisip ko so mas motivated talaga ako to do well,” ang nakangiting kuwento pa ni Winwyn tungkol kay Luna.

Bilang isang hands-on mom, kino-consider ni Winwyn ang schedule ng isang project bago niya tanggapin ito.

Paliwanag niya, “Kasi I can’t leave my daughter sa yaya lang, so dapat ako ang mag-aalaga or yung daddy ng baby ko.

“Kahit may yaya kami, ako pa rin yung nag-aalaga so… iba e, iba yung feeling pag ako, e. Minsan nga kahit yung daddy niya yung… gusto kong agawin sa daddy niya e, gusto ko ako, e!

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Ganun pala talaga, e. Hindi ko talaga kayang iwan ng matagalan.”

WINWYN SEES NO NEED FOR POST-PARTUM REST

Hindi ba naisip ni Winwyn na magbakasyon muna sa showbiz para makapag-focus sa pagiging first-time mom?

“Hindi, kasi parang three months pa lang si Luna na I went back na, na nag-shoot ako ng movie, nagbe-breastfeed pa ako nun, nagge-guest appearance ako.”

Mismong ang kanyang fiancé ang nag-encourage sa kanya na bumalik sa trabaho.

Paglalahad ni Winwyn, “Ang nangyari lang kasi yung partner ko, he’s very supportive na, ‘You have to go back to have a sense of normalcy, hindi yung parang nasa bahay ka lang.’

“Kasi mas mahirap yata na parang, mas mahirap bumalik.

“Mas mahirap bumalik. Mentally, it was hard also for me [for] the first few months, e. So siya yung nagpu-push sa akin, ‘Sige I’ll stay home, mag-work ka kahit paunti-unti.’

“And it helped me, now nakabalik ako kahit papano, kahit paunti-unti. Kaya lang yun nga, kailangan balikan, or mag-aayos kami ng schedule. Kung ako yung may work, he’ll try to stay home [and] kailangan ko lang bumalik bago siya mag-work.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Something like that, pag-uusapan namin.”

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Millions Of Chinese Residents Lose Power After Widespread, “Unexpected” Blackouts; Power Company Warns This Is “New Normal”
Next post Genetically Modified Mosquitoes Vaccinate a Human