What makes Kim Atienza sad? “Kapag naaalala ko ang mga anak ko na nasa America.”

May common denominator ang mga co-hosts ni Kim Atienza sa TikToClock na sina Pokwang at Rabiya Mateo.

Pareho silang may pinagdadaanan. Recently lang in-announce ng comedienne ang separation nila ng partner na si Lee O’Brian. Recent din ang breakup ng beauty queen at ni Jeric Gonzales.

READ: Pokwang at Rabiya Mateo, handa na bang makipagrelasyon muli matapos ang heartbreak?

Si Kuya Kim ba, may pinagdadaanan din?

Sagot ng batikang host sa virtual mediacon ng TikToClock noong Martes, July 12, 2022, ang dahilan ng kanyang kalungkutan ay ang mga anak na nasa ibang bansa at malayo sa kanila ng asawang siFelicia Hung Atienza.

Aniya, “Ang cause kasi ng dull moment ko, kapag naaalala ko ang mga anak ko na nasa America.

“Kasi malapit na kaming mag-empty nest ng misis ko. May isa na lang kami, yung dalawa, nando’n na. Nami-miss ko sila.”

Ang unico hijo niyang si Jose ay nag-aaral sa Tufts University sa Boston, Massachusetts.

Continue reading below ↓

Ang pangalawang anak na si Eliana ay freshman sa University of Pennsylvania.

Na-miss ni Kuya Kim ang graduation niya noong May 2022 dahil sa COVID-19, pero nag-post ng sweet message ang Kapuso TV personality sa Instagram.

Bahagi ng sinabi niya para sa anak, “Parents are like bows and you are like an arrow. Our job is to shoot you far and straight and high…..far away from us. It is sad but that’s what parents are designed to do.”

Continue reading below ↓

Ang bunsong si Emmanuelle, 16, ay kasalukuyang nasa high school.

Continue reading below ↓

Mabuti na lang at busy siya sa kanyang shows. Bukod sa TikToClock, segment anchor din siya sa 24 Oras at main host ng Dapat Alam Mo!

Sa pagpapatuloy niya, “At kapag nami-miss ko sila, alam mo, God talaga gives the perfect timing.

“Nilagay ako ni Lord sa GMA in His perfect time. At binigyan ako ng mga shows in His perfect time. Kasi kung hindi ako busy, maaalala ko ang mga anak ko.”

Natatawa pang hirit ni Kuya Kim, “Iiyak ako rito.”

#lifestyle-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

a {
color : #D60248;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Previous post It’s all a Lie – Government reports prove Cost of Living Crisis & Travel Disruption is being done on purpose to advance ‘The Great Reset’
Next post Jabbed, Boosted Justin Trudeau AGAIN Contracts ‘Covid’ (tests positive with a test not testing for it) And Still Urges Canadians to Get Jabbed, Boosted