Wency Cornejo speaks about recovering from Bell’s Palsy, kidney stones

Taong 2019 nang ma-diagnose ng Bell’s palsy ang dating After Image vocalist na si Wency Cornejo.

Kapansin-pansin noon ang pagbagsak ng kanyang kaliwang mata at kaliwang bahagi ng bibig.

Tila hirap din siya noong magbigkas ng salita dahil sa dinanas na partial facial paralysis.

Pero hindi ito naging hadlang para patuloy pa ring mag-perform si Wency sa tuwing kukunin siya sa ilang shows.

Nung Decembee 2021 nga ay nag-guest pa si Wency sa Masked Singer Pilipinas sa kabila ng sakit.

Ngayong 2022, patuloy pa rin sa pagkanta ang dating After Image lead vocalist.

Noong July 10, 2022, guest performer siya sa Wish Date 3: Blink Of An Eye concert na ginanap sa The Theater At Solaire.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Wency bago ito sumalang sa stage, at kinumusta namin kung fully recovered na siya.

“Healed? Not totally, it’s still there. Lagi ko ngang sinasabi napakamalas ko dun ako sa time na yun nagkaroon ako ng Bell’s palsy,” saad ni Wency.

Continue reading below ↓

Lahad pa niya, “Hindi ako makapunta sa therapy, so the actual disease took a very long time. Napakabagal nung progress nung aking Bell’s palsy.

“I don’t know if you notice, you probably see it already that the left side of my mouth doesn’t really open as much as the right side of my mouth.

“Di na ako nag-therapy, ang gagawin lang naman sa therapy is to stretch the muscles.

“I practically can do that on my own at home. Hinihila ko yung mukha ko nang ganun, ganun na lang ang ginagawa ko.”

Early 2021 naman nang magkaroon ng kidney stones si Wency.

Kuwento ni Wency: “Ang hirap pag mayroon kang nararamdaman, and naramdaman mo during the pandemic itself, takot kang pumunta ng hospital.

“You know, they say that the most painful pain that a human can endure is kidney stones and this is even more painful than labor.

“Two days kong tiniis. Sabi ko, nag-labor ako ng two days bago ako nag-decide na hindi ko talaga kaya ito.

Continue reading below ↓

“Walang tulog. Sa sobrang sakit, hindi ka talaga makakatulog.

“After two days I decided, ‘Sige na, dalhin niyo na ako sa ospital.’

“Dinala na ako sa ospital, sinasaksakan ako ng pain reliever.

“Immediately nawala naman yung pain. A day or two after that, nailabas ko naman yung kidney stones.”

Dahil likas na homebody, hindi nakaranas si Wency ng anxiety o depresyon dahil sa pandemya.

“To be honest, I didn’t really have to adjust much because I’m not the type of person na mahilig maglalalabas.

“Ako sa bahay lang naman since naka-lockdown tayo nung time ng pandemic. I’m used to that kind of lifestyle na nasa bahay lang.

“Ang pinaggagawa ko during the pandemic, what I’m really focusing on is cooking. Mahilig talaga akong magluto, mahilig akong mag-experiment sa mga pagkain.

“If you go to my IG account, siguro makikita mo what I did during the two years na naka-lockdown tayo practically na hindi talaga tayo puwedeng lumabas.

Continue reading below ↓

“Puro pagkain lang ang nasa IG ko kasi luto ako nang luto.”

WENCY’S ADVICE TO YOUNG ARTISTS

Nang kumustahin namin kung may komunikasyon pa sila ng mga dating kasama sa After Image, inamin ni Wency na hindi na sila gaanong nakakapag-usap ng mga dating kabanda.

“Minsan nagkaka-message, nagkaka-text, nagkukumustahan. Minsan magko-comment lang sa isa sa post sa Facebook or sa IG, or whatever social media.

Continue reading below ↓

“Hindi na masyado, I have to be honest about it,” saad niya.

Tinanong din namin si Wency kung may payo ba siya sa mga sikat na mga banda at singers sa ngayon.

“I always say one thing, keep on writing songs for yourselves. It gives you character.

“Regardless whether you hit it big or not, you know that you did what you wanted to do and your art is always paramount.

“Ang hirap kasi pag banda ka tapos hindi ikaw ang nagsusulat ng materyal mo, tugtog ka lang nang tugtog sa places na puwede kang tumugtog.

“It gives you your own personality as a band kapag mayroon kang sarili mong likha.

“It’s very, very important also, I think, if you think more rationally.

“Napakarami na napakagagaling na mga Filipino and parang nakakahinayang na hindi mae-expose yung other side of music.

“Ang huhusay nating kumanta, ang huhusay nating tumugtog, I think it’s high time that the world learns na ang huhusay nating magsulat.

Continue reading below ↓

“Nakakalungkot minsan when you encounter kapwa na mga singers na hindi nakakapaglabas ng mga orihinal na kanta.

“I don’t want to name names but there are certain celebrities. They’re really, really big pero hindi nila maipagmamalaki sa mga apo nila na ‘Akin iyan.'”

Singer-composer si Wency at sarili nitong komposisyon ang mga pinasikat niyang mga kanta gaya ng “Hanggang,” “Habang May Buhay,” at “How Can I Tell You.”

Kailan siya magre-release ng bagong komposisyon?

Sagot ni Wency, “Yes, in fact, I just wrote a song the other night. It just hits you sometimes.

“I seldom write songs, but once it hits me—inspiration about a certain topic that I’m interested with—nakakasulat pa ako instantly.”

Isa sa tinilian at pinalakpakan ang performance ni Wency sa nakaraang Wish Date Blink Of An Eye concert.

Ilan pa sa guests dito sina Yeng Constantino, Silent Sanctuary, Splendido Tritus, Wishcovery Original’s grand winner Peniel, at The Voice Teens Season 2 grand champion Heart Salvador.

Continue reading below ↓

ON BEING PART OF WISH DATE 3 CONCERT

Mapapanood ang online streaming ng Wish Date 3 concert sa July 17 sa KDR Music House YouTube channel.

“I’m excited because it’s something different from what I usually do during a show. Ito, medyo mas nakakahon ang aming mga performances.

“Well, in my thirty-plus years in the industry, nakakakaba pag mga ganyan, especially you’re not used to that kind of direction that a show should be taking.

“Right now, I am both excited, I am sort of scared at kinakabahan.”

Masaya rin si Wency na balik na ang live performances kung saan face-to-face na silang nakakapag-perform sa live audience.

“Everything that has everything to do with the arts, mukhang nabubuhay na uli and I’m very, very ecstatic about it.”

#lifestyle-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

a {
color : #D60248;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Estudyanteng si Meckia Mari Villanueva, nag-viral dahil hakot awards sa graduation
Next post Excited ka na bang mapaikli sa apat na oras ang biyaheng Manila to Bicol?