Viva big boss Vic del Rosario Jr. celebrates birthday with Viva artists, directors

Star-studded ang birthday party ni Viva Communications, Inc. Chief Executive Officer Vic del Rosario Jr. na ginanap sa Greyhound Café, ang pag-aari niyang restaurant sa isang mall sa Bonifacio Global City, Miyerkules ng gabi, October 26, 2022.

Nabulabog at natuwa ang mga mall shopper dahil sa napakaraming mga artistang nakita nila nang personal.

Kabilang sa mga dumating sa birthday party ni Boss Vic sina Julia Barretto, Xian Lim, Marco Gumabao, Yassi Pressman, Diego Loyzaga, Janno Gibbs, Marco Gallo, Kim Molina, Jerald Napoles, McCoy de Leon, Andrew Muhlach, Wilbert Ross, Ryza Cenon, Sunshine Guimary, Maui Taylor, Katya Santos, Candy Pangilinan, Ella Cruz, at ang mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

vic del rosario jr. birthday

Boss Vic with Viva stars (from left) Wilbert Ong, McCoy de Leon, Jerald Napoles, Xian Lim, Julia Barretto, Diego Loyzaga, Yassi Pressman, Kim Molina, and Ella Cruz

vic del rosario jr. birthday

Boss Vic with (from left) Sarah Geronimo, Sunshine Guimary, Ryza Cenon, and Candy Pangilinan

vic del rosario jr. birthday

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

vic del rosario jr. birthday

Andrew Muhlach, Wilbert Ong, McCoy de Leon, and Diego Loyzaga

Siyempre, hindi rin nawala ang mga sexy star ng Vivamax at ang lahat ng mga direktor na gumagawa ng pelikula sa Viva Films tulad nina Joey Reyes, Jason Paul Laxamana, Yam Laranas, GB Sampedro, Paul Basinillo, at Roman Perez Jr.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

vic del rosario jr. birthday

Boss Vic and son Vincent del Rosario (extreme right) with Vivamas directors (from left) Jason Paul Laxamana, Darryl Yap, Jose Javier Reyes, GB Sampedro, Paul Basinillo, Roman Perez Jr., and Yam Laranas

Humabol sa birthday celebration ni Boss Vic sina Mac Alejandre, Angeli Khang, at Gold Aceron dahil nanggaling pa sila sa private screening ng Selina’s Gold sa Cinema 7 ng Gateway Cinema sa Cubao, Quezon City.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Tumagal hanggang hatingabi ang pagdiriwang ng kaarawan ni Boss Vic dahil ito ang unang pagkakataong nagkasama-sama ang lahat ng mga artista ng Viva Artists Agency sa isang pagtitipon sa panahon ng coronavirus pandemic.

Malaki ang epekto ng pandemya sa entertainment industry kaya lubos ang pasasalamat ng mga artista kay Boss Vic dahil nabigyan sila ng kabuhayan sa pamamagitan ng mga proyekto sa pelikula at telebisyon na ibinibigay sa kanila at napapanood sa TV5, Cignal TV, GMA-7, at streaming site na Vivamax.

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Social media is the new electronic Auschwitz concentration camp of the 21st century
Next post 5 of the best crypto Youtube channels to follow