VIRAL: Pa-sopas, pa-champorado ni Teacher

Ang pa-sopas at pa-champorado ni Teacher Erieth P. Panganiban ay maganda ang epekto sa kanyang Grade 12 students: Inspirado sila.

Umani ng paghanga sa social media si Teacher Erieth ng Los Baños Bayog Senior High School Division of Laguna.

Ito ay matapos ibahagi ng kanyang estudyanteng si Karylle Solis, 18, ang kanilang “pinakamasayang assignment,” na tumabo ng libu-libong reactions at shares mula sa netizens.

Kalakip ng post ni Karylle ang picture ng guro sa tabi ng TV screen, kung saan nakasulat ang kanilang takdang-aralin: “Assignment: Magdala ng sariling mangkok at kutsara sa Friday, magpapasopas si mam!”

Ipinost ito ni Karylle noong October 12, 2022.

teacher erieth panganiban

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

AN EXTRAORDINARY GESTURE

Kuwento ni Karylle sa Philippine Entertainment Portal noong October 25, hindi ito ang unang treat ng kanilang class adviser.

Si Teacher Erieth din ang kanilang guro sa Introduction to World Religions and Belief Systems and Entrepreneurship.

Noong una ay champorado ang pameryenda sa kanila.

Kuwento ni Karylle, “As adviser, alam niya po ang bigat at hirap ng mga subjects naming Grade 12 students.

“Kaya sa halip na magdagdag pa po siya ng assignments ay ninais niyang mabigyan po ng kasiyahan ang kanyang mga estudyante sa pamamagitan ng pagpapakain ng sopas.”

Hindi lang sila sa nabusog sa treat ni Teacher Erieth.

Matinding boost sa kanilang nararamdaman ang dulot ng good gesture ng kanilang guro.

“Yung kabutihan po ng teacher namin yung isa sa ginawa naming inspirasyon para mas pagbutihin pa namin yung pag-aaral, para in the future, makatulong din kami sa ibang tao tulad ng ginagawa niya ngayon.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

NETIZENS REACT

Umani ng mga papuri ang guro sa comments section ng post ni Karylle.

Sabi ng Facebook user na si James Unsworth (published as is), “Sana all! Samin kac pina assignment kame mag dala ng ballpen tsaka papel kac may long quiz daw kame.”

Ang iba, nag-tag ng kanilang sariling mga guro sa pag-asang pamarisan nila ang ginawa ni Teacher Erieth.

teacher sopas champorado

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon naman sa mungkahi ng isang netizen, sana ay, “taasan na nila yung sweldo ng teachers, andaming kawawa gawa ng gawa ng mabuti sa estudyante tapos kakarampot lang benefits.”

Sabi pa ng isa, “Isa po siyang mabait at mapagmahal na guro saming mga estudyante niya.”

teacher erieth panganiban

Tulad ng isinasaloob ni Karylle at classmates niya, inspirasyon para sa ilang netizens ang ginawa ni Teacher Erieth.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi nga ni Karylle, “It is extraordinary for us.”

teacher erieth panganiban

teacher erieth panganiban

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Maraming kuwento tungkol sa teachers na higit pa sa pagtuturo ang kanilang ginagawa para sa kanilang mga estudyante.

Nasulat na rin dito sa PEP.ph ang isang guro na nagtayo ng class pantry na galing mismo sa kanyang bulsa.

Ang effort na ito ng teacher, naka-inspire pa sa buong eskuwelahan na magtayo ng pantry para sa lahat ng mga estudyanteng kapos din sa buhay.

Read: Guro sa Aglipay, Quirino nagtayo ng classroom pantry para sa mga walang baon

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Government Stats Show 70 Per Cent of All Violent Robberies in Paris Carried Out by Foreigners
Next post 5G Masts By Schools Is Madness – Help Brighton Parents Set A Precedent In Court