VIRAL: Namasukang helper, isa palang licensed engineer; dami niya ngayong job offers!

Dahil sa isang Facebook post, tuluyang nagbago ang buhay ni Virgilio Reyes Jr.

Si Virgilio ay namasukang welder/helper sa isang industrial company sa San Simon, Pampanga.

Pero isa pala siyang licensed electrical engineer at registered master electrician.

Dahil sa kawalan ng oportunidad, napilitan si Virgilio na patusin ang pagiging helper.

Nagkaroon ng 180-degree turn ang kanyang buhay nang maging viral ang post ng kanyang katrabahong si Jensen Sunga noong October 18, 2022.

Si Jensen ay safety officer sa pinapasukang industrial company ni Virgilio.

Nang malaman ni Jensen na lisensiyadong engineer ang newly-hired na si Virgilio, ipinost niya ang larawan ni Virgilio, kasama ang dalawa niyang license IDs.

virgilio reyes jr. licenses

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ang dalawang license IDs ni Virgilio Reyes Jr.

Nanawagan si Jensen sa kanyang Facebook post na tulungan si Virgilio na makahanap ng trabaho sa mga construction companies.

Galing daw sa Bicol si Jensen at nag-apply sa kanilang kumpanya sa Pampanga para makapagsimula.

Post ni Jensen (published as is), “Hind makapunta ng Manila para maka-apply dahil hindi kabisado. Kaya ginawang stepping stone ang Pampanga.

“Baka need niyo ng engineer mga boss. Para sa future niya.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Kaagad na nag-viral ang panawagan ni Jensen. Kinabukasan, si Virgilio ay dinumog ng job offers na akma sa kanyang pinag-aralan bilang inhinyero.

Nagpasalamat si Jensen sa mga nagmalasakit kay Virgilio.

“Hindi po namin lahat kayo masasagot. Ang daming mga Company po ang gustong kumuha sa kanya, pero nakapag decide at nakapamili na po si Engr. Virgilio Milla Reyes.”

May mga cash donations pa raw na ipinaabot kay Virgilio para sa kanyang pagsisimula.

Pero sa dinami-rami raw ng job offers, napagdesisyunan ni Virgilio na tanggapin ang alok na trabaho ng current employer na unang tinanggap siya bilang isang helper.

DAHIL SA KAWALAN NG EXPERIENCE

Ang kuwento ni Virgilio ay katulad ng kuwento ng mga new graduates na naghahanap ng trabaho.

Ayon sa ulat ni King Sengco ng One PH, si Virgilio ay nagtapos sa kursong Electrical Engineering mula sa University of Nueva Caceres sa Naga City noong 2019.

Nagawa niya ito sa tulong ng ina at panganay na kapatid.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Naantala ang pagkuha ni Virgilio ng board exams dahil sa pandemya.

Subalit ngayong taon ay pumasa siya bilang licensed electrical engineer at registered master electrician.

Nag-apply sa mga kumpanya si Virgilio, pero hindi natatanggap dahil sa kawalan ng work experience.

“Naghanap din po ako, nag-apply-apply sa online po bilang electrical engineer,” pahayag ni Virgilio.

“Kaso ganoon po, di po pinapalad bilang electrical engineer, kaya nakita ko po yung company po na ito.”

Sinunggaban niya ang maging welder sa industrial company sa Pampanga kahit nangangahulugang magiging underemployed siya.

Kailangan kasi niyang matulungan ang pamilya sa probinsiya.

Sa kumpanyang ito niya nakilala si Jensen, na naging instrumento para makamit ang hangad niyang makakuha ng akmang trabaho.

Ang kuwento ni Jensen: “Nung unang meet po namin niyan, sinabihan po ako ng kasama ko na, ‘Ito palang si Virgilio ay isang lisensiyadong engineer.’ Di ko din po akalain na totoo din po pala.”

Isang araw lang matapos gawin ni Jensen ang post na panawagan para kay Virgilio, dumagsa na ang job offers.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang na ang current employer na binigyan si Virgilio ng trabahong related sa kanyang kurso at qualifications bilang licensed electrical engineer at registered master electrician.

Sabi naman ni Virgilio, “Maraming salamat po kay Sir Jensen po kasi po marami pong big opportunity na dumating sa buhay ko.

“Electrical engineer na din po ako sa company na pinasukan ko po.”

Ikinagalak naman daw ng kanyang pamilya ang kanyang bagong trabaho.

Hanggang ngayon nga raw ay patuloy pa ring dinadagsa ng job offers si Virgilio.

Sabi naman niya sa mga naghahanap ng trabaho, “Kahit mahirap mag-apply, sige lang po.

“Tiyaga lang po at sipag at dasal. Mapapawi rin po lahat ng problema.

“Basta tiwala din po sa sarili.”

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Swedish Police Bust ‘Arab’ Teens During Gang Rape at Malmo Playground
Next post ‘We’re NEVER Getting Back to Normal’ – and you never will Australia while you allow imbeciles like this to tell you what to do