TRENDING: “Hindi na marami ang tubig ng noodles” at iba pang signs na umahon na ang buhay

Nag-trending ang post ng Astewrites, isang Facebook page na may 71,000 fans, tungkol sa TikTok video na nag-circulate sa iba’t ibang social media platforms.

Ayon sa post na may petsang September 28, 2022, ang naturang TikTok video ay humiling sa audience na mag-drop ng kani-kanilang sign na “medyo umahon na ang buhay nila kaysa dati.”

Batay sa mga nakalap na sagot, ang top comments ay:

  1. Hindi na namin kailangang hintayin na may bisita para makainom ng Coke.
  2. Hindi na kami ginigising pag umuulan dahil maayos na ang bahay namin.
  3. May malamig na kaming tubig.
  4. Hindi na kami nakikipanood ng TV sa kapitbahay.
  5. Anytime, puwede na kaming mag-Jollibee.
  6. Hindi na marami ang tubig ng noodles.

Ang pang-anim na komento ay binigyan ng personal blog ng highlight.

Kahit kasi tayo, may malungkot na eksenang agad kikintal sa ating mga isipan.

The post

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ang unang larawan na pumasok sa isip ng writer na ito ay isang maralitang pamilya na nagsasalu-salo sa marahil ay isang pack ng nilutong instant noodles.

Para magkasya sa kanilang lahat at para kahit paano ay magkalasa ang kanin sa plato (kung meron man) ay dinadamihan ang tubig kahit pa lumalangoy na sa sabaw ang mga hibla ng noodles.

At siguro, baka nagpaubaya pa ang mga magulang para mas maraming mailaman sa kumakalam na tiyan ang mga anak.

Bukas, makalawa, at sa mga susunod pang araw sa buong taon, ganito ang eksena sa ilang kabahayan.

Samantala, ayon pa sa post, ang mga naging sagot ng netizens ay dahilan para i-appreciate ang mga maliliit na bagay.

Ang bahagi ng post (published as is), “That although there were battles I lost, there were small wins that I should be grateful of, and every win, no matter how small, should count.”

Sila rin ay paalala na para sa iba, ang maliit na halaga ng pera ay pang-kain na ng buong pamilya sa buong araw.

CONTINUE READING BELOW ↓

NOOD KA MUNA!

Patuloy na nakaka-attract ng atensiyon ng netizens ang nasabing post na mayroon nang 156K reactions, 8.7K comments, at 129K na shares.

Hindi ito nakapagtataka dahil napakaraming makaka-relate sa nabanggit na top six comments.

Halos lahat tayo ay nakaranas ng alinman sa mga ito.

Sa comments section ay nagbabahagi pa rin ang netizens ng kanilang signs kung paano medyo umahon na ang buhay nila kesa dati.

May nagsabing ang suka at toyo na dati ay inuulam nila ay “sawsawan” na lang nila.

Nabanggit din ang pangungutang ng bigas at sardinas sa tindahan, at may scheduling pa sa mga miyembro ng pamilya na mangungutang.

May nagsabi ring “hindi na ako umaasa sa 10K ni Cayetano,” na ang tinutukoy ay ang proposal ni Senator Alan Peter Cayetano na 10K-per-family na ayuda.

Screenshot of comments

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

READ: Saan galing ang “sampung libo” ni Cayetano at bakit lagi itong trending?

Maoobserbahan na bawat komento ay umaakit din ng reactions at replies, kaya mas lalong humahaba ang kuwentuhan at pagkukumpara ng mga naging karanasan.

Pati nga ang laki ng paghiwa ng luncheon meat brand na MaLing at nabanggit.

Screenshot of comments

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Screenshot of comments
Bottomline, ang normal para sa iba ay tagumpay para sa maraming Pilipino.

Sabi nga ng American author na si Robert A. Schuller: “Let your hopes, not your hurts, shape your future.”

At gaya nang nabanggit ng personal blog, dapat nating ma-appreciate ang maliliit na bagay na dati-rati ay hindi natin naipagpapasalamat.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Macron’s France: Almost All Serious Crimes Increased in 2022
Next post Vietnamese man gets FIVE YEARS behind bars for breach of ‘Covid-19’ quarantine & spreading a virus never shown to exist