Tiny house sa Cainta worth PHP650K, bulletproof at zombie-proof!

Parang hinugot mula sa zombie apocalypse movie ang isang tiny house o bunker pad sa Cainta, Rizal.

Natakot si Anthony—avid fan ng zombie movies—nang tumama ang pandemic noong 2020 kaya nagpagawa siya ng bahay na zombie-proof.

Matibay ang bahay na gawa sa semento at bakal.

Mayroon pa itong bulletproof door na hindi basta-basta masisira.

May CCTV cameras din para ma-monitor ang anumang kahina-hinalang kilos sa labas ng bahay.

bullet proof tiny house

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

May CCTV cameras ang tiny house na ito kaya mamo-monitor ang anumang kahina-hinalang kilos ng sinuman sa labas.

Ang 30-square-meter tiny house ay binuo sa loob lamang ng three months at may total cost na PHP650,000.

Nakatayo ang bunker pad na ito sa 265-square-meter lot na binili naman ng homeowner na si Anthony for PHP2.5 million.

bullet proof tiny house

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pintong bulletproof na pinasadya ng homeowner na si Anthony sa kaibigan.

IPINAGAWA SA PANAHON NG PANDEMYA

Si Anthony ay avid fan ng zombie apocalypse movies, na siyang naging inspirasyon niya sa pagpapatayo ng kanyang tiny house.

Tila pakiramdam ni Anthony ay nagkakatotoo na ang mga pinapanood niya nang tumama ang pandemya noong 2020.

“Naisip ko itong pagawa nung pandemic kasi sobrang crazy yung nangyayari,” aniya sa interview ng Summit OG.

“Natakot ako, ‘tapos nakatira pa ako sa condo. Sobrang higpit sa amin dati—yung mga rules, restrictions…”

Kaya naghanap si Anthony ng area na patatayuan niya ng isang dugout-inspired unit.

“Nahanap ko itong place na ito, parang childhood area village ko ito, e. Naghanap ako ng lot na medyo affordable.

“In three months, natapos naman kaagad. So dito na ako tumira hanggang sa mag-normalize [ang sitwasyon].

bullet proof tiny house

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

bullet proof tiny house

(Top photo: Ang living area na may sofa bed. Bottom photo: Ang see-through door ng comfort room katabi ang rack na nagtataglay ng car collectibles ni Anthony. )

ZOMBIE-PROOF HOUSE

Inilarawan ni Anthony kung ano ang espesyal sa kanyang bunker pad.

“Yung materials na ginamit namin dito sa house, minake sure naming walang wood kasi dahil sa anay.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Bullet-resistant ang steel door nito.

“Pinagawa ko pa ito sa kumpare ko. Talagang special siya sa mga steel works made of solid steel.

“Tapos bullet-resistant so hindi siya basta-basta mabubuksan. Saka matibay, saka para hindi na rin maanay kasi nga steel siya.

“Nagpakabit ako ng CCTV para kahit papaano may security ako dito, kasi mag-isa lang ako, e.

“Para nakikita ko yung nangyayari kung may intruder o papasok.”

Inspirasyon niya ang dugout shelters na designed against zombie apocalypse at doomsday.

“Lagi kasi kaming nanonood ng dad ko dati, so na-inspire ako na magpagawa ng ganoong concept.

“So parang safe na safe ka talaga in case na may gulo, meron kang puwedeng takbuhan.”

bullet proof tiny house

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ang loft-style bed ng bunker pad na inilagay sa ibabaw ng living room.

Ideal din daw ang lugar para maging crash pad, rest house, o bakasyunan.

Maganda siyang lugar kung nais mong lumayo sa ingay at mataong siyudad.

Secured din daw ang ipinagawa niyang tirahan.

“Puwede mo siyang iwan, may konting peace of mind ka.

“Safe ka at saka hindi siya basta-basta mapapasok ng zombie or kung anong sira-ulo na puwedeng mag-attempt.”

Sa isang bahagi ng bahay ay mayroon siyang rack kung saan nakalagay ang kanyang car collectibles at isang kutsilyong regalo ng kanyang ama.

“Kasi mahilig siya sa mga ganitong klaseng mga kutsilyo. So puwede ko na rin siyang gamitin pang-security in case na may intruder o zombie ulit,” sabi ni Anthony.

Swak din sa kanyang panlasa ang kinatatayuan ng kanyang bunker pad.

“When I first moved in, maganda… puro puno, nature vibes, malayung-malayo sa condo living dati na congested, maingay, madaming tao.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“So natuwa ako dito kasi ito yung parang hinahanap ko na change from my last lifestyle.”

Panoorin dito ang full video ng zombie apocalypse tiny house:

Read:

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post The killing goes on and on … Mother killed after car broke down on smart motorway with no hard shoulder
Next post Government forced to launch Investigation into shocking rise in Newborn Baby Deaths since the ‘Covid’ Fake Vaccine was approved