
Tatlong magkakapatid, sabay-sabay pumasa sa 2022 board exam for teachers
Triple celebration sa katatapos lang na holiday season ang isang pamilya sa Bulan, Sorsogon, dahil tatlong anak ang sabay-sabay pumasa sa Licensure Examination for Teachers (LET)—Elementary noong October 2022.
Lumabas ang resulta ng board noong December 16, 2022, kaya early Christmas gift ito para sa magkakapatid na sina Cherry Anne Lustan, Christine Mae Lustan, at Gerald James Lustan.
Silang tatlo ay pare-parehong nag-self review para sa board exam, ayon sa ulat ng The Summit Express.
Sa Facebook post ni Gerald James “Dors” noong lumabas ang resulta, hindi sila pumasa sa first take at magkakasabay na pumasa sa second take.
“After di makapasa sa first take, nag-focus kami sa trabaho tapos ngayon nag-decide kami na mag-self review ulit.
“Best Christmas gift ito sa amin kasi successful ang aming second attempt.”
Naging inspirasyon ng magkakapatid ang kanilang ate na si Mary Claire Lustan, na hindi nakapasa sa first take ng board, pero pinalad naman noong 2014.
Ngayon ay may apat nang registered teachers sa kanilang pamilya.
“Worth it lahat and ang saya lang na apat na kaming teacher sa pamilya namin,” ani Dors.
NOOD KA MUNA!
News Philippines today at https://philtoday.info/