Seth Fedelin, 20, invests in Bianca Lapus’s new cafe in Tagaytay

Pinasok na rin ng young actor na si Seth Fedelin ang pagnenegosyo.

Binuksan ang kaunan-unahan niyang restaurant business, ang Café Saranggola, sa Asian Village Tagaytay, Sta. Rosa-Tagaytay Road, Brgy. San Francisco, Tagaytay City.

Business partner ni Seth sa Café Saranggola ang dating aktres at talent manager na si Bianca Lapus. Kasosyo rin nila ang ilang private personalities na sina Eddie Posadas (from Sacramento, USA), Claire Benigno, at Mae Maghirang na partner din ni Bianca sa Velvet Media Inc./Top Shelf magazine).

Sabay na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Seth at Bianca pagkatapos ng ginanap na contract signing ng partnership nila sa Café Saranggola, na ginanap sa Asian Village, Tagaytay City last July 30, 2022.

Panimula ni Bianca, “Nagdi-dinner kami ‘tapos siya yung may initiative.

“Siya‘yung nagsabi na, ‘Gusto kong magnegosyo. Magnegosyo kaya tayo?’ E, sumakto naman na under construction yung Café Saranggola.”

Sinubukan ni Bianca na pagbigyan ang hiling ni Seth na pasukin ang pagnenegosyo nung kausapin niya ang kanyang partners sa Café Saranggola.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi, kami-kami lang talaga, e. Kumbaga ano, piling-piling yung magpa-partner. Pagkatapos sabi nila, ‘Sino’ng papasok?’ Sabi ko, ‘Si Seth gustong magnegosyo.’

“Ayoko naman siya mag-umpisa na, yung parang since ang dami ko ng pinagdaanan sa negosyo.

“So parang I want to guide him also, ganyan. So kahit papano mapro-protect ko siya pag ganyan.

“’Tapos ayun, umoo naman siya. Game rin naman yung mga partners ko.”

Kakalabas lang ni Seth ng Pinoy Big Brother: Otso (2018-1019) nang magkakilala sila ni Bianca.

Kuwento ni 20-year-old actor, “2018 nagkakilala kami ni Mama B,” pet name ni Bianca sa kanyang mga talent at kaibigang artists.

Pagpapatuloy ni Seth, “And then, medyo naiba lang ng sirkulasyon ng mundo. Hehehe.

“And then after nung pandemic, recently lang din, mga early 2022, saka kami nagkita ni Mama B.

“Nag-Boracay kami, ‘tapos yun, na-open ko sa kanya na gusto kong mag-business. Kasi nga, para hindi naman palabas lagi ng pera.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Inayunan ni Bianca ang pahayag ni Seth.

Aniya, “Oo, ang hirap din kasi nung pandemic, di ba? Kahit ako, e, parang, ‘Oh, my god.’ Parang lahat walang trabaho. Wala kang gagawin.

“E, ako naisip ko agad necessity ang food. Sabi ko, ‘Ah, okey. Magbabagsak lahat ng negosyo, pero ang food kung maayos anng palakad mo, hindi babagsak yung negosyo mo.”

Bianca Lapus and Seth Fedelin business partners Cafe Saranggola

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

SETH ON INVESTING HIS SHOWBIZ EARNINGS

Hindi raw nagdalawang-isip si Seth na pumayag makisosyo sa Café Saranggola.

Ani Seth, “Yung tiwala ko naman kay Mama B nandoon naman. So, first business ko, saka gusto ko rin talagang matulungan ako kung paano ang takbo sa pagbi-business.”

Pinayuhan din ni Bianca si Seth na gayahin ang ginawa ng ibang artist na pinasok din ang pagnenegosyo.

Sabi niya sa aktor, “Sinasabi ko sa kanya yung mga artista dati, like sina Marvin Agustin. Sabi ko, nag-sampol ako ng mga artista na hindi sinayang yung mga kinita nila.

“Kasi nag-invest sila ng mga business. Hindi tulad nung mga artista na katulad niya.

“Di ba nasa prime siya ng pagiging artista niya? At least, napupundar niya kung saan-saan yung [kinikita] niya.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi naman ni Seth, “Kumbaga, yung pera ko napupunta hindi lang sa… Yun din ang naiisip ko ngayon, e. Siyempre tama na tayo sa mga laru-laro.

“Oo, nagseseryoso na ako kasi mahirap na. Kasi kapag iisipin mo kung saan ka pupulutin bukas, ay, nakupo!”

Kinapos ba Seth nitong pandemic?

Sagot niya, “Hindi naman. Pero kung iisipin mo kung hanggang saan ba ito? Hindi palaging ganito, e. So, kailangan mo ng mga assets, which is eto.”

At magkano naman ang perang inivest ni Seth sa Café Saranggola?

Mabilis na tugon ni Bianca, “Secret!”

Biro naman ni Seth, “10 million…dollars, ha.”

Natatawa pa niyang tsika, “Actually, ano pa lang yun, fifty percent pa lang ang nabayad ko,”

Ano ang feeling na isa na siyang entrepreneur?

“Siyempre nakaka-proud kasi kahit papano, eto lang?’ I mean, para sa akin malaking achievement na ito para sa akin. Malaking starting point ko, ayun.”

Na-proud naman si Bianca sa sinabi ni Seth.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Stepping up na siya,” masayang sabi ni Bianca. “’Tsaka ano, Adulting 101, di ba? Adult na siya. Nagbi-business na.”

Bukod sa pag-invest niya sa restaurant, bahagi rin ng partisipasyon ni Seth ang i-promote ito sa mga kaibigan niya tulad ni Darren Espanto, Kyle Echarri, at AC Bonifacio.

Lahad Seth, “Kanina ipinagkakalat ko na ito sa mga kaibigan ko, e, kina Darren. Sabi ko kapag dumaan kayo ng [Tagaytay], punta kayo sa Café Saranggola.

Sabi niya, ‘Oo.’ Kapag nadayo raw sila ng Tagaytay, e, dadaan daw sila dito.”

Sang-ayon ni Bianca, “Pareho kami, marketing. Yun ang role namin.”

Sino ang unang-unang celebrity ang iimbitahin o daldahin ni Seth sa Café Saranggola?

Singit ni Bianca, “Siyempre ang una muna niyang dinala ngayon ay ang pamilya niya.”

Pagsang-ayon ni Seth, “Oo, kapamilya muna.”

Ang leading lady ni Seth na si Francine Diaz ay nakabisita na sa restaurant.

Pagri-reveal ni Bianca, “Nagpunta na dito si Francine actually. Pero hindi pa bukas yung café. Hahaha. Dumaan lang siya.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Cafe Saranggola

FUTURE BUSINESS PLANS

May pinaghahandaan na ba si Seth?

“Yup,” ani Seth. “Para saan? Siyempre para sa sarili ko. Kasi hindi naman habang-buhay, hindi natin alam, di ba, po?

“Kailangan nating mag-isip hindi lang sa nature ng work natin. Hindi lang sa TV ka lang hahanap, sa TV ka lang magde-delihensya. Dapat outside din.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

At tila may ilang negosyo pa na gustong pasukin ni Seth, “Siguro hangga’t kaya. ‘Tsaka ngayon I’m learning pa lang din naman.

“Natutunan ko nga, hangga’t may panahon ka at meron kang chance mag-build ng mga assets mo, yun ang gawin mo.

“Hayaan mong turuan ka nang may mga alam. Kasi, business ito siyempre pero, nasa magandang kalagayan yung pinaghirapan mo.

“Hindi lang basta napunta sa mamahaling sapatos, di ba?”

Ano pa ba ang gusto niyang pasukin na negosyo?

Ani Seth, “Siguro ano, kainan. ‘Tsaka gusto ko ring ma-try yung clothing line.

“Wala pa ako’ng naiisip na name or ano. Pero dini-daydream ko na siya na may sarili aKong clothing line.”

Isiniwalat ni Bianca ang plano ni Seth, “Nabanggit din niya dati yung car wash na may café, ganyan.

“Malay mo magkaroon kami ng branch na may car wash. ‘Tapos may Café Saranggola sa gilid.”

Pagsang-ayon ni Seth, “Paunti-unti muna. Paplanuhin natin I yan. Hindi madalian iyan.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

#lifestyle-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

a {
color : #D60248;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Previous post Fired: It’s Been A Bad Week For Zume Pizza Robots In San Francisco
Next post Fascist German Green Party wants to set up centres for anonymous reporting of political incorrectness