Rocco Nacino and Melissa Gohing welcome baby boy

Isa nang ganap na tatay ang Kapuso actor na si Rocco Nacino.

Nanganak ang kanyang misis, ang volleyball player na si Melissa Gohing, sa pamamagitan ng Cesarean section sa Medical City.

Gabi ng October 9, 2022 nang isilang ang kanilang baby boy na may timbang na 7.5 pounds.

Tinatawag nila itong Baby Moon at Baby N.

As of 7 p.m. ng October 10, 2022, wala pang update sa parehong social media accounts nina Rocco at Melissa.

Pero ang sigurado, ang mag-asawa ang una raw na magpo-post ng larawan ng kanilang baby.

Kasalukuyang naka-paternity leave ang aktor na gumaganap bilang si Elias sa top-rating GMA Telebabad na Maria Clara at Ibarra.

Ikinasal ang couple sa Philippine Navy ship na Brp Davao Del Sur Pier 13 noong January 21, 2020, two months matapos ang kanilang engagement.

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Dear Parents … Tired of watching your child walk? Then why not let them join the 1,149 people left paralysed by the ‘Covid-19’ fake vaccine?
Next post Polkadot sees a setback again: Reasons that count