Rob Guinto reveals meaning of four tattoos

Para kay Rob Guinto, pinaka-daring na ang kanyang naging role sa pelikulang Virgin Forest, na idinirek ni Brillante Mendoza para sa Vivamax.

Halos abot sa sampung lalaki ang naka-sex scene niya rito, pero ayon sa sexy star, napaghandaan naman niya ang requirement para sa kanyang karakter.

“Naging handa naman ako bago ko pasukin itong career ko,” bulalas pa ng aktres sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Dutdutan Philippine Tattoo Expo 2022, na ginanap noong October 14 to 15, 2022, sa World Trade Center, Pasay City.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Malaki ang naging tulong ng kanyang manager na si Lito de Guzman, na siya ring naka-discover sa dalaga.

Pagtuloy ni Rob, “Nasabihan na rin naman ako ng manager ko kung ano yung mga dapat kong gawin sa loob ng VIVA. And I’m ready.”

ROB’S TATTOOS

Bukod sa kanyang kaseksihan ay agaw-pansin din ang mga tattoo sa katawan ng aktres.

“Apat, puro kaliwa,” paglalarawan niya sa kanyang mga tattoo na nasa kaliwang bahagi ng kanyang katawan.

Mayroon siyang tattoo ng kanyang heartbeat sa kanyang left wrist at malaking flower sa kanyang left ankle.

Ang salitang “optimism” ay naka-tattoo sa inner part ng kanyang upper left arm.

Paliwanag niya, “Parang I’m convincing myself to be positive.”

Sa tagiliran naman naka-tattoo ang isang Bible verse na nagsasabing, “I do all things through Christ who strengthens me.” Mula ito sa Philippians 4:13.

Sa ipinapahiwatig ng kanyang mga tattoo, mukhang determinado si Rob na magtagumpay sa showbiz.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang motivation niya?

Sagot ng dalaga, “May bahay ako na pinapatayo, and may kotse rin akong kinukuha. Kaya actually yun yung pinag-ipunan ko.”

At lahat nang ito ay dahil din sa VIVA, na sunud-sunod ang projects na binibigay sa kanya sa kabila ng pandemya.

Bukod sa Virgin Forestay mapapanood din si Rob sa mga pelikulang Purificacion,Memories of a Love Story, at Bula.

Aniya, “Sobrang laki ng naitulong sa akin ng VIVA, lalo na sa career ko.”

Kung mabibigyan siya ng pagkakataon, sino ang gusto niyang makatrabaho?

Sagot ng aktres, “Actually wala naman akong pinipili kung sino yung makakatrabaho ko sa VIVA.

“Pero lagi kong sinasabi sa press, gusto kong makawork si Sir JC Santos, kasi sobrang galing niyang artista.”

DUTDUTAN 2022

Samantala, successful at jam-packed ang crowd sa Dutdutan Phlippine Tattoo Expo 22.

Bukod sa showcase ng kamangha-manghang skin art, nagkaroon ng Tribal Bikini Contest, at world-class performances nina Arnel Pineda, Gloc9, Greyhoundz, at marami pang iba.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Arniel Pineda at Dutdutan Tattoo Convention 2022

Gloc9 Dutdutan Tattoo Convention 2022

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Greyhoundz at Dutdutan 2022

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Elon Musk: Here Comes ‘Optimus’
Next post Dr. Shimon Yanowitz Discusses Covid Injection Vial Contents – We are in a Genocidal War