Polo Ravales recounts family’s COVID-19 ordeal: “Sh*t, totoo pala!”

Alam ni Polo Ravales ang hirap ng pagkakaroon ng COVD-I9.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan, ibinahagi ni Polo na na-COVID siya at ang kanyang buong pamilya: ang kanyang fiancée na si Paulyn Quiza, ang kanyang stepson, at ang one year-old baby boy nila ni Paulyn na si Yarick.

“Kaya alam ko yung feeling, ang hirap!” bulalas ni Polo.

Ang masaklap pa, nagkasakit sila ilang araw bago ang mismong kaarawan ni Polo noong June 27, 2022.

Kuwento ng aktor, “Meron ako dapat mini-celebration—party, intimate party—for my fortieth. Kasado na yun ha? Kasado na siya.

“Kasi matagal nga, two years na walang birthday party, di ba? So sabi ko, magbe-birthday party naman ako para ma-celebrate ko naman yung fortieth ko.

“So meron akong acoustic band, celebration sa restaurant, as in prepared na. Pucha tinamaan kami!”

Paano nila nadiskubre?

“Yung stepson ko [twelve year-old son ni Paulyn from a previous relationship] ang unang nagkalagnat. After, binibiro pa nga namin, sabi ko ano lang ito baka lagnat-laki. After niyang magkalagnat, after ng two days, sabay kami ni Paulyn na kumati yung throat!

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ko, ‘Sh*t, eto na!’

“’Tapos, ako nilagnat, siya hindi pero nanghihina kami pareho. June 24 kami nagka-symptoms. June 27 ang birthday ko, so hindi natuloy [yung party]. Kaya alam ko yung feeling na magkasakit.”

Hindi naman daw sila naospital, at sa bahay sila nagpagaling.

“Pero hindi siya yung [asymptomatic], hindi, e, medyo malakas ang tama sa amin. I think hindi siya Omicron.”

Naawa naman si Polo sa naging kalagayan ng kanyang baby boy.

“Yung baby namin kawawa, biro mo yung lips niya, red lips siya, e, namumutla ‘tapos ramdam ko yung panghihina niya.

“So sabi ko talagang, alam mo, maiiyak ka talaga, wala kang magawa.

“At least, kami ni Paulyn puwede kaming magsabi ng nararamdaman. Siya hindi, e, kasi baby pa lang.

“So that’s why siguro kahit minsan gusto naming, you know, lumabas, ganyan, wala e, pinipigilan namin, huwag na lang.”

Sa lahat ng kanilang COVID symptoms, ikinatakot ni Polo ang pagkakaroon nila ni Paulyn ng pagkahingal.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento niya, “Natakot ako kasi meron kaming hingal. Malakas kaming mag-workout, lalo na yung fiancée ko kasi she’s the fitness trainer of sila Jackie Lou Blanco, si Iza Calzado.

“’Tsaka kunyari ito, itong pag-uusap nating ito, titigil ako, hihingalin ako!

“’Tapos, natatakot ako, sabi ko, ‘Oh my god!’

“Dun ako natakot, sh*t totoo pala yung parang may hingal ka, na parang, di ba, sinasabi nila na konting lakad lang hihingalin ka na? Na-experience ko yun!”

Ipinagpapasalamat ni Polo na nalampasan nilang mag-anak ang kanilang pagkakasakit, at inabot lang ng isang linggo bago sila naka-recover.

Next year ang plano nila ni Paulyn na ituloy ang kanilang wedding at baka next year na rin daw ituloy ni Polo ang selebrasyon ng fortieth birthday niya.

working with tomoro

Samantala, tinutulungan ni Polo ang Japanese artist na si Tomoro.

Polo Ravales, Tomoro

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“He’s a Japanese singer, meron siyang mga singles na ginawa with Austin Mahone and Sean Kingston.”

Paglilinaw naman ni Polo, hindi siya ang manager ni Tomoro, na nakilala niya through a common friend.

“Hindi, hindi. Magkaibigan kami. Magkaibigan kami.”

Ang latest single ni Tomoro ay ang “Let Me Hold You,” na collaboration nila ng American/Jamaican singer na si Sean Kingston.

Si Arci Muñoz ang leading lady sa music video ng naturang kanta ni Tomoro.

Wala pa raw manager si Tomoro, kaya tanong ng writer na ito, bakit hindi na lang si Polo?

Aniya, “Hindi pa namin napag-uusapan.”

Pero kung mabibigyan daw siya ng pagkakataon, bukas naman si Polo na i-manage ang career ni Tomoro dito sa Pilipinas.

“Siguro, siguro. Kung magugustuhan niya yung mga pini-prepare namin sa kanya, tulad nitong meet-and-greet with the press.”

Ginanap ang mediacon ni Tomoro na inayos nina Polo at Paulyn noong September 25, 2022, sa function room ng HIVE Hotel sa Scout Tuazon cor. Scout Madriñan, Brgy. South Triangle, Quezon City.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post One of Northern Europe’s largest vegetable brands HAK to shut down entire production for six weeks because of energy costs
Next post And so the fascism continues … Homes may have gas cut off if they refuse to take part in hydrogen trial