Pinay nurse nearing finish line aids fallen runner in London marathon

Isang Pinay nurse ang nakapukaw ng atensiyon sa social media dahil sa larawan niyang tinutulungan ang isang foreigner sa isang marathon race.

Pagpapatunay rin ito sa reputasyon ng Filipino nurses na handang tumulong beyond the call of duty.

VIRAL PHOTO of HARRIETH KAY AMORES

Ang viral photo ay ipinost ni Erick Von Fredeluces, isang Filipino nurse sa London, United Kingdom, noong July 11, 2022.

Nangyari ito noong July 10 sa marathon race ng ASICS London 10K, kung saan madadaanan ang mga famous landmarks ng siyudad.

Ani Erick, naging proud siya sa kanyang kapwa Pinoy na si Harrieth Kay Amores.

“A Filipino nurse will always be compassionate no matter where and what the circumstances will be,” caption ni Erick sa Facebook.

“A young Filipina nurse has dropped everything in the recently held Asics London 10K Run just to help a runner who was about to pass out.”

Sabi ni Erick, si Harrieth Kay ay isang “ICU Nurse from Cleveland Clinic London.”

Continue reading below ↓

Kita ang Philippine flag sa manggas ng T-shirt na suot ni Harrieth, isang Cebuana.

Pagdedetalye ni Erick, hangad ni Harrieth na i-beat ang previous record na 10 kms. sa loob ng one hour and three minutes.

Pero noong malapit na siya sa finish line, mas pinili ni Harrieth na saklolohan ang kapwa runner na muntik-muntikang himatayin “from exhaustion due to scourging heat and fatigue.”

Binalewala ni Harrieth ang kanyang goal dahil mas nanaig ang kanyang “caregiver calling.”

Karay-karay ang foreigner, sabay-sabay nilang naabot ang finish line.

Na-beat pa rin ni Harrieth ang kanyang previous record. Natapos niya ang marathon race sa loob ng 59 minutes!

Ani Harrieth sa post ni Erick, “Naririnig ko mga cheers ng mga kapwa ko Pinoy saying, ‘Go ate kaya mo iyan.’ Nakakaproud lang.”

Via direct messaging, sinabi ni Erick sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) na katrabaho niya si Harrieth bilang nurse sa London.

Continue reading below ↓

THE STORY BEHIND THE PICTURE

Ibinahagi rin ni Harrieth ang ilan pang detalye tungkol sa viral photo.

Bungad niya sa PEP.ph, “Few meters away po sa finish line I was already sprinting since I wanted to finish in less than an hour for my 10K.

“Then I saw them struggling po and approached them, side by side po kami nun other girl to assist the one in the middle.

“We tried to walk towards the finish po, but nag-struggle pa din kami.

“Then a fellow runner came to our aid and carried her. Then we ran and finished together.

“Then medics came to help her and took over.”

Para namang killing two birds with one stone ang nangyari dahil bukod sa nakatulong, nakumpleto ni Harrieth ang race in less than an hour.

“I did not expect po na I’ll still get my sub1 hour and still got my goal time,” masaya niyang balita.

Continue reading below ↓

marathon

Sa kabilang banda, sa post ni Erick ay binanggit niya ang susunod na goal ni Harrieth. Ito ay ang maakyat ang Mouth Kilimanjaro, na siyang pinakamataas na bundok sa Africa.

Makikita sa posts ni Harrieth sa social media na bukod sa pagiging nurse ay fitness enthusiast din siya.

Continue reading below ↓

#lifestyle-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

a {
color : #D60248;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Previous post Right Now – Life Coach Richard Grannon Talks About How Governments Are Narcissistically Abusing Their People
Next post WEF Launches ‘Metaverse’ Initiative, Predicts Digital Lives Will Become ‘More Meaningful to Us Than Our Physical Lives’