Pen Medina to undergo spine surgery; his children appeal for donations

Umapela ng tulong pinansiyal mula sa publiko ang mga anak ng veteran actor na si Pen Medina sa Instagram matapos nitong ma-ospital kamaikailan dahil sa Degenerative Disc Disease (DDD).

Ayon sa medicalnewstoday.com, ang DDD ay isang “age-related condition” kung saan “one or more of the discs between the vertebrae of the spinal column deteriorates or breaks down, leading to pain.”

Nitong Sabado ng madaling araw, July 16, 2022, ibinahagi ng mga anak ni Pen sa kanilang Instagram accounts na sasailalim ito sa isang spine surgery sa darating na Martes, July 19, 2022.

Malaki umano ang perang kakailanganin ng 71-year-old actor hindi lang para sa operasyon nito kundi para na rin sa kanyang pagpapagaling.

Sabi sa buong post: “To dad’s friends, relatives, and co-workers:

“Our dad, 71-year-old actor Pen Medina, has been in the hospital for three weeks now and currently cannot sit or stand up due to Degenerative Disc Disease (DDD). He is scheduled for a major spine surgery on Tuesday, July 19.

“Due to the pandemic, our dad scarcely had any work, which siphoned his savings over the past two years. We are trying to help him as best as we can but it will be a long road to sufficient recovery for him.

“We humbly appeal for your charitable help and prayers as our family navigates through helping him get back on his feet – literally and figuratively.”

Bukod sa financial help, naghanap din ng sampung blood donors si Japs Medina para sa surgery ng kanyang ama.

Continue reading below ↓

Pen Medina

Samantala, napuno ang comments section ng praying hands emojis. Kasama sa mga nag-reply sina sina John Archilla at Lovely Abella.

Pen Medina

Pen Medina

Pen Medina

Continue reading below ↓

Para sa mga gustong mag-donate, maaring ipadala ang inyong tulong sa mga bank accounts na ito:

GCASH
09778234150
Kathleen Medina

BPI
4539 0752 12
Kathleen Medina

UNIONBANK
109423983730
Kathleen Medina

Nitong mga huling buwan, ang pagpipinta ang pinagkaabalahan ni Pen base na rin sa kanyang mga recent posts sa Instagram account.

Huli siya napanood sa telebisyon bilang bahagi ng Kapamilya teleserye na La Vida Lena na umere sa Kapamila channel mula November 2022 hanggang February 2022.

READ MORE:

#lifestyle-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

a {
color : #D60248;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Previous post Mom-to-be Angelica Panganiban is “napakagandang buntis” in latest Instagram photo
Next post Maggie Wilson’s legal camp issues statement on Victor Consunji’s “malevolent act of harassment”