PBA superstar CJ Perez graduates from college “after 13 years and 4 universities”

Graduate na sa college ang Philippine Basketball Association (PBA) superstar na si CJ Perez.

Miyembro si CJ ng San Miguel Beermeen team.

Ang tunay niyang pangalan ay Jaymar G. Perez.

Nagtapos siya ng Bachelor of Science in Business Administration, major in Business Management, sa Lyceum of the Philippines University.

Graduation photo of CJ Perez

Sa kanyang Facebook post noong October 19, 2022, nagbahagi siya ng mga larawan ng kanyang graduation.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ang kanyang post (published as is): “After 13 years and 4 universities, I finally got one degree hotter today!

“Maraming salamat sa LPU community, kay RPL, Boss Andro, mga professors ko, Coach Topex, Ma’am Lani, Dean Sacdalan, Sir Mike Caballero, Ma’am Grace, Boss Emong… salamat na naging part kayo ng college journey ko.”

Graduation photo of CJ Perez

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Pinasalamatan din niya ang asawang si Sienna.

“Sa family ko, sa wife and two kids ko salamat na binigyan nyo ako ng motivation para tapusin ko ang studies ko.

“Boss Alfrancis Chua, eto na may diploma na ako boss! Salamat na pinush nyo ako para tapusin ang aking pag-aaral hindi lang para sa sarili ko kundi para sa pamilya ko.

“Thank you, Lord, graduate na ako!”

Naglaro si CJ sa LPU para sa dalawang season ng National Collegiate Athletic Association (NCAA).

CJ Perez during NCAA days

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Pinangunahan niya ang Lyceum Pirates na makapasok sa dalawang magkasunod na NCAA finals.

Samantala, umani ng pagbati mula sa mga kapamilya, kaibigan, kapwa athletes, at fans ang post ni CJ tungkol sa kanyang pagtatapos.

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Spawn Of DARPA: ARPA-H Is Fast Track To Digital Dictatorship
Next post Irish MEP calls out hypocrisy of the west labelling Russia a terrorist state