Pares business ni Rodel Anisor: kariton ang gamit noon, milyonaryo na ngayon

Nagsimula ang pares business ng pamilya ni Rodel Anisor sa isang kariton lamang.

Tulak-tulak noon ng nanay ni Rodel ang kariton at nagtitinda ng lugaw sa Makati.

Pero ngayon, ang kariton ay napalitan na ng isang maluwag na puwesto, at higit sa isang milyong piso ang kinikita nito kada buwan.

Ito ang success story ng Pares Point The Original sa Makati City.

Dinudumog ito tuwing tanghalian at mas lalo na sa gabi.

Siyempre, ang bestseller ay ang special pares na nagkakahalaga ng PHP130 with rice per order.

pares

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Binalikan ni Rodel, na chief executive officer ng kanilang pares business, ang pagtutulak ng kariton ng nanay noon para magbenta ng lugaw.

“Meron siyang kariton dati ‘tapos yung lugaw na iyon inilalako ng kapatid niya,” ani Rodel sa Pera Paraan ng GMA Public Affairs noong August 20, 2022.

“’Tapos yung lugaw, nilagyan ng mga beef, mami. Yung may sabaw.

“Yung mga tao na kumakain ng mami, gusto nila yung laman ng mami.

“Sa halip na mami yung binibili, ang ginagawa binibili yung laman ‘tapos yung sabaw, ‘tapos gagamit sila ng kanin.

kariton

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

THE PLIGHT OF ILLEGAL VENDORS

Pero kagaya ng illegal vendors, naranasan nilang mabagansiya kapag nahuhuli sila ng mga awtoridad.

Nagmarka ang mga karanasang ito kay Rodel noong tinutulungan niya sa pagtitinda ang ina.

Sabi ni Rodel, “Kasi illegal vendor, e. Hihinto ka sa isang lugar, tulak-tulak mo iyan. ’Tapos hihinto ka sa isang lugar.

“Ang masakit pa nito, yung hinuhuli, yung ginigiba yung kariton.

“Nakikita ko yung mga sinasamahan kong tindero, talagang nag-iiyakan kasi ginigiba yung mga kariton nila.

“’Tapos kailangan mong buuin uli para [kinabukasan] may tinda ka, kung hindi wala ka nang kakainin.”

Ang karanasang ito ang nag-udyok kay Rodel na gumawa ng paraan para hindi na nila ito maranasan.

“Sabi ko sa nanay ko, ‘Nay, ayoko na ng ganito. Gusto ko na nang stable na hanapbuhay.’

“Kaya ang ginawa namin, umupa na kami. Naghanap ako ng bakanteng lote.”

Malayo na ang naabot ng kanilang negosyo simula noong nagdesisyon si Rodel na magrenta ng puwesto.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Naaalala ko PHP800 puhunan sa isang araw, siguro meron akong dala na mga tatlong kilong karne hanggang apat na kilo.”

Sa ngayon, ubos kada araw ang 150 kilong karne ng baka at limang sako ng bigas sa kanilang restaurant.

Sa karne pa lang ng baka na nagkakahalaga ng PHP420 per kilo, aabot na ito ng sa higit sa PHP1.8 milyon na puhunan sa isang buwan.

Katuwang ni Rodel ang kanyang kapatid at tiyuhin sa pagpapatakbo ng negosyo.

Read also:

#lifestyle-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

a {
color : #D60248;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Previous post ‘Most brazen anti-competitive scheme in a generation’: 4 tech firms sue Facebook to force Zuckerberg to sell his stake
Next post Germany’s Health Minister Wants Vaccine Passports To be Colour Coded for Compliance, Just Like China