Paola Mariz Cero: Single mom, 7 years in college, board topnotcher

Nagmula sa pamilya ng mga nurses si Paola Mariz P. Cero, 30, ng Southern Leyte, kaya bata pa lang siya, nabuo na sa isip niya na magiging nurse din siya.

Nagtapos siya ng Bachelor of Science in Nursing sa College of Maasin noong 2021, pero dahil sa pandemic ay nitong February 2022 lang ginanap ang kanilang graduation.

Paola Mariz Cero in nursing uniform

Continue reading below ↓

Top 9 siya sa May 2022 Nursing Licensure Examination, at may rating na 87.60 percent.

Nakapanayam si Paola ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong July 14 sa pamamagitan ng Facebook Messenger.

Pagbabahagi niya, “It was my ultimate dream to become a competent and compassionate nurse someday. I can say that we are a family of nurses since most of my relatives on my mother’s side are nurses.”

MASALIMUOT NA COLLEGE LIFE

Ayon kay Paola ay napakabigat ng challenges na pinagdaanan niya noong nasa kolehiyo siya. Nakiusap siyang huwag nang idetalye dahil sa mga personal na dahilan.

Kuwento niya, “I was supposed to graduate in 2012, but due to some circumstances in the past, I got pregnant.

“I am a solo parent to my 10-year-old son.

“I was in my third year of nursing at one of the universities in Cebu when I stopped.”

Inakala umano niya noon na wala na siyang chance na ma-achieve ang kanyang ultimate dream.

Continue reading below ↓

“I became a full-time mother to my son, until such time I realized that it’s never too late to try and start achieving my dream again.”

Nagdesisyon siyang tapusin ang pag-aaral.

“It took me seven years to pursue my dream again, with the full support of my family.”

MARAMING FEARS NANG MAGBALIK-KOLEHIYO

Bagaman at desidido si Paola na tapusin ang naantalang pag-aaral, marami siyang takot nang muling bumalik sa nursing school.

“I was really timid and had a lot of apprehensions about whether I could really do nursing again.

“I was also scared because I might not be able to get along with my classmates because I thought I was the oldest in the class, and I might not be able to keep up with them.”

Pero nasorpresa siya dahil naging very welcoming at madaling pakisamahan ang kanyang mga kaklase.

“At hindi rin po ako yung pinakamatanda!

“Nakakatuwa pong isipin na marami akong kaklase na matataas na rin ang edad, pero hindi yun naging hadlang para ipagpatuloy ang goal nila na maging nurse.”

Continue reading below ↓

Isa rin sa kinatakutan niya noon ay baka hindi na siya maka-catch up at mahirapan sa pag-unawa sa mga lessons dahil pitong taon na siyang nag-stop sa pag-aaral.

“But we are very fortunate that all our clinical instructors are very dedicated to their work in molding us and helping us to become competent nurses someday.

“They motivated us to become the caring, nurturing people we were trained to be, and for reminding us of the responsibilities and rewards of our profession that will help us move forward in the future.”

MARAMING DISTRACTIONS SA PAGRE-REVIEW, NAPAKAHIRAP NG EXAM

Gaya ng ibang kumuha ng board exam sa panahon ng pandemya, nahirapan din si Paola sa pagre-review.

“Online po kasi yung review namin, intensive review kumbaga. Less than three months lang ang preparations namin para sa NLE.

“The hardest part was when the internet connection didn’t cooperate. Pahirapan talaga, hindi ka makasunod sa discussions!

Continue reading below ↓

“Isa rin sa cons ng online review ay yung maraming distractions, like, yung ingay sa labas ng bahay or yung mate-tempt ka na matulog sa bed kasi naka-off din naman yung cam during the live discussions.”

Nagpapasalamat naman siya na mahuhusay ang lecturers sa napili niyang review center.

Natuklasan din niyang totoo ang sinasabi ng isa nilang lecturer na sobrang hirap ng board exam.

“Kasi raw po if it was easy, no one would fail.

“To be honest, I really had a hard time with Certified Nurse Practitioner (NP) 2 and NP3, because most of the questions are new to me.

“At kahit anong gawin kong elimination technique, mahirap pa rin.”

List of Top 10

Continue reading below ↓

Kaya nagulat si Paola na kasama siya sa topnotchers.

“Never in my wildest dreams po talaga! Ang tanging ipinagdarasal ko ay sana pumasa kaming lahat ng kaklase ko kasi pag may hindi pumasa, hindi rin lubos yung saya ko.”

Aniya, masyadong surreal ang naramdaman niya noon.

“Grabe, hindi ko po talaga inaasahan na mapapasama ako sa magta-top!”

Isang kaklase niya ang nagbalita sa kanya ng good news.

“Almost midnight na lumabas yung result kaya ako na lang ang gising sa bahay. Dali-dali akong bumaba at ginising ko ang parents ko para ibalita sa kanila yung results.”

Inialay ni Paola ang kanyang tagumpay una sa Diyos. Aniya, “He is the one I always cling to.

“Then to my family, to my mom and dad, and to my sisters, who haven’t left me since day one, when I returned to nursing school.”

Inihandog din niya ito sa pinakamamahal na anak.

“He is the main reason why I worked so hard to finish my course. For our future and my family’s as well.”

Continue reading below ↓

Sa ngayon ay nagtatrabaho si Paola sa isa sa mga private hospital sa Southern Leyte.

“I will work here first for experience, then if I prosper, I might also apply to work abroad.”

Ang payo niya sa mga kukuha ng nursing course, “Always remember and reflect on your ultimate reason for wanting to become a nurse in the first place.

“Nursing school is no joke. Napakahirap po! It might break or hurt you, but it can also be a source of inspiration, motivation, and dedication in life.”

#lifestyle-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

a {
color : #D60248;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Previous post Bill Gates, Elon Musk & Soros Are Frontmen For The Top of the Pyramid – Icke & Spiro (April 2020)
Next post Stream Ickonic’s Hit Documentary ‘A Good Death’ Today…