Pang-MMK story ni Baltazar Dela Trinidad, 28, magna cum laude at board topnotcher

May kasabihan sa Ingles na, “Good things come to those who wait.”

Napatunayan ito ni Baltazar “Vhal” Dela Trinidad, 28, ng Pangasinan.

Parang pang-Maalaala Mo Kaya (MMK) ang kuwento ni Vhal dahil sa kanyang mga sinapit bago nalasap ang tamis ng tagumpay.

Pagka-graduate sa high school, naghintay muna siya ng anim na taon bago nakapagpatuloy sa college.

Pero sa kabila ng delay ay nagtapos siya bilang magna cum laude.

Dalawang taon naunsyami ang pagkuha niya ng board exam dahil sa pandemic.

Pero naging topnotcher siya.

Kaya alam ni Vhal ang kahalagahan ng patience. Aniya, may tamang panahon para sa lahat.

“Dapat di po sinusukuan ang mga bagay na nais marating,” mensahe ni Vhal sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

vhal dela trinidad lecture

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

As a topnotcher, Vhal serves as a lecturer at a review center.

LABANDERO, SERVICE CREW, CALL CENTER AGENT, AT IBA PA

“Bale, ako po ay produkto ng broken family,” pagbabahagi ni Vhal, na bago pa man isilang ay naghiwalay na ang mga magulang.

Nang magtapos naman siya ng high school, nakulong ang kapatid niyang dapat ay susuporta sa kanya sa college.

Hindi naman siya masuportahan ng kanyang mga magulang dahil wala silang hanapbuhay.

“I tried a lot of jobs po. Naging labandero, ‘tapos naging service crew po, call center agent, at naging manager sa isang resto.

“Naglalaba po ako sa tiyahin ko at sa aking dating guro ng mga isang taon sa Pangasinan.”

Naisipan ni Vhal na makipagsapalaran sa Baguio City.

Isang taon siyang naging service crew sa isang fastfood chain at naging on-call manager ng isang restaurant sa loob ng apat na taon.

Ilang ulit niyang sinubukan noon na bumalik sa pag-aaral pero lagi raw nauunisyami.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Parang ayaw ng tadhana. Kaya nais ko nang sukuan.

“Pero dumating talaga yung time na para na po sa akin ang pag-aaral kasi nagkaroon na po ako noon ng mga scholarship grants.”

Bumalik siya sa college sa edad na 23 anyos, at kumuha ng Bachelor of Secondary Education, Major in Biological Science, sa Baguio Central University.

Naging work student din siya noon at nagtrabaho bilang resto manager at freelance make-up artist.

Taong 2020, “Naka-graduate po akong magna cum laude despite of those difficulties.”

Pero may panibagong hamon na dumating kay Vhal. Tumama ang pandemya at nawalan siya ng trabaho.

Read also:

BOARD EXAM POSTPONED TWICE

Sa dalawang taon na dumaan, dalawang beses naantala ang kanyang pagkuha ng board exam.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

May naririnig pa siya noon sa ibang tao na baka hindi pa siya makapasa.

“Nilaban ko pa rin,” sabi ni Vhal. “Di pa rin po ako tumigil hanggang sa natuloy po ang board exam.”

September 2021 nang matuloy ang pagkuha ni Vhal ng board exam.

“Hanggang sa naging topnotcher ako sa board exam.”

Si Vhal ay Top 5 sa licensure examination for teachers (secondary level) at may rating na 92.20 percent.

board exam results

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Ngayon po, isa na akong national lecturer ng isang review center at teacher na rin po sa isang public school [sa Pangasinan].”

Update ni Vhal, nakalabas na rin ang kanyang kapatid mula sa kulungan, pero ongoing pa ang kaso kaya hindi puwedeng banggitin ang mga detalye nito.

SECRET TO BEING AN HONOR STUDENT, TOPNOTCHER

Ano ang sikreto ni Vhal para magkaroon ng Latin honors at maging topnotcher?

“Naglalaan po talaga ako ng oras kahit wala na pong tulog.

“Sikreto ng pagiging topnotcher ay consistency and skills po sa testmanship at dapat po talaga ay conditioned ka to study.”

Sa mga estudyante o nagre-review na napanghihinaan ng loob, may advice si Vhal.

“Pag nawawalan ng pag-asa, balik lang po tayo sa mga rason kung bakit natin yun ginagawa.

“Kasi yun yung magiging lakas mo uli, para manumbalik ang lakas at motibasyon mong mag-aral.”

#lifestyle-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

a {
color : #D60248;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Needless jabs – the death penalty for thousands
Next post Military Is Developing “Cognitive Warfare” Weapons