New York-based Filipino makeup brand, inspired by Pinoy food

Kakaiba ang ideya ng isang makeup brand na ito na itsurang mga sikat na pagkaing Pinoy.

Nai-imagine mo ba ang lip tint na lumpia-inspired, lip gloss na itsura at lasang lechon sauce o banana ketchup?

I-partner iyan sa lip balm na luncheon meat scented at siguradong matatakam ka.

Ito ang Filipinta, isang Filipino beauty brand na ipinakikilala sa New York, USA.

filipinta makeup food

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

filipinta makeup food

Unique ang makeup brand na ito na ang itsura ay mga kilalang pagkain ng Pinoy, gaya ng Pinoy snack (top photo) at luncheon meat (bottom photo).

Ang magkaibigang Hana Acabado-Kirchoff at Jassel Donato ang mga bright minds sa likod ng Filipinta.

Si Hana ang owner at siyang nagsimula nito bilang isang passion project noong 2019.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Nagtatrabaho siyang multimedia designer sa New York at siya din ang utak sa likod ng mga witty packaging at lahat ng design material para sa brand.

Sabi ni Hana sa interview ng GMA News, “Wala pa akong nakikitang ganoon dito sa Amerika.

“Pina-customize namin lahat ng colors, lahat ng textures, lahat ng formula para wala kaming kaparehas. “

Samantala, si Jassel ang nagcu-curate at nagke-create ng kanilang mga products.

MAKEUP NA MUKHANG MASARAP, PARA SA GANDANG PINAY

Samantala, may iba pang unique look ang iba nilang produkto na magpapaalala ng ating kabataan.

Para sa mga may sweet tooth, meron silang mga eyeshadow palette na hango sa mga paboritong local treats—mula sa chocolate hanggang ube halaya, at maging ang all-time favorite na sorbetes.

Mayroon din silang colorful gel eyeliners na inspired ng chocolate wafer stick na patok sa lahat.

Ang cute, di ba?

filipinta makeup food

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Lip balm na mukhang butter cookies

Ayon sa Filipinta website, ang kanilang mga produktong pampaganda ay ginawa for “enhancing and embracing the unique, distinct beauty of every Filipina.”

Bukod sa pagtugon sa mga demands ng Filipina skintone, agaw-pansin talaga ang nakabibilib at nakatutuwang packaging designs na umaani ngayon ng public attention.

Sa mga nais sumubok ng kanilang unique at creative makeup ideas ng Filipinta, pwede kayong mag-order sa kanilang website.

Soon ay magiging available na din sila sa mga shopping apps dito sa Pilipinas.

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post How the Arms Industry Scams the Taxpayer — Contractors Cash in as Congress Adds Billions to the Pentagon Budget
Next post Take a look inside the luxury bunkers being built under the ultra-wealthy’s mansions