Nash Aguas very proud of girlfriend Mika dela Cruz as they celebrate their 4th anniversary

Ipinagdiwang nina Cavite City Councilor Nash Aguas, 24, at Kapuso star Mika dela Cruz, 23, ang ikaapat nilang anibersaryo kahapon, October 20, 2022.

Sa pamamagitan ng Instagram, ibinahagi ni Nash ang picture ni Mika na kuha habang nasa intimate dinner sila.

Ayon sa bagitong pulitiko, very proud siya sa girlfriend na si Mika pati na sa kanilang relasyon.

Sabi ni Nash, “Happy 4th My Love!

“I’m proud of us.

“I’m proud of you.

“I love you. @mikadlacruz”

View this post on Instagram

A post shared by Aeign Zackrey Nash Aguas (@zackwey)

November 2018 nang inamin ni Nash na sila na ni Mika.

Idinaan daw ni Mika sa isang 15-page letter ang pagsagot niya kay Nash noong nasa Tagaytay sila nung October 2018.

Humagulgol daw talaga si Nash nang mabasa ang nilalaman ng sulat ni Mika para sa kanya.

“Yung iyak ko nga po dun, parang pang-TV Patrol, e. Parang ngawa!” natawang pag-amin niya.

Kuwento pa ni Nash, “Sa fifteen pages na yun kasi, ang story po nun, noong bata ako, crush na crush ko po siya.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“To the point na binubuhat ko ang bag niya.

“Talagang nagpaparamdam ako na hindi kita gustong maging kaibigan, gusto kitang maging girlfriend, pero bata.

“Pero siya, sobrang takot niya sa ate niya kaya sobrang tinatarayan niya ako.”

Ang ate na tinutukoy ni Nash ay ang nakakatandang kapatid ni Mika na si Angelika dela Cruz.

Dagdag pa niya, “Sobrang maldita niya sa akin, like, hindi niya ko pinapansin.

“So, dumating ang point na napagod ako.

“‘Tapos po nun, parang sa 15 pages na yun, doon niya sinabi ang side niya.”

Read: Nash Aguas confirms Mika dela Cruz is now his girlfriend

11 YEARS IN THE MAKING

Humigit-kumulang 11 years in the making ang love story ng nina Nash at Mika.

Sa isang series of Instagram posts noong November 12, 2018, tila hindi pa rin makapaniwala si Nash na girlfriend na niya si Mika.

Magkasabay silang lumaki sa ABS-CBN weekly gag show na Goin’ Bulilit.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Tandang-tanda pa ni Nash na crush na crush na niya si Mika noong 2007 pa lang.

Nine years old pa lang noon si Nash at eight years old si Mika.

Ipinakita ni Nash ang larawan kung saan nakaakbay siya kay Mika habang nakaturo siya sa kung saan.

Bata pa lang daw sila ay sinubukan nang pormahan ni Nash si Mika.

Balik-tanaw ni Nash: “Paborito ko tong picture na to eh. Sa Wowowee to (around 2007), sumayaw tayo nyan ng opening prod.

“Tapos nung nag commercial gap na, may tinuturo ako sa taas tapos sinasabi ko ‘dyan dati nagtrabaho si mommy.’

“Hindi talaga dun nagtrabaho si mommy.

“Sinabi ko lang yun para may mapagusapan tayo tsaka para ma akbayan kita [laughing emoji].

“Eh wala eh. ‘Crush’ kita nun eh.

“Tapos kinapalan ko na yung mukha ko sa mga sumusunod.”

Read: Nash Aguas chronicles love story timeline with girlfriend Mika dela Cruz

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Another Country Wants To Ban Me – So Confirming (Yet Again) That I’m Right – David Icke Dot-Connector Videocast (Also with Dutch subtitles)
Next post The Same Experts Who Told Pregnant Women to Smoke, Sprayed Kids with DDT & Called Asbestos Safe Are Now Saying ‘Trust the Science’