Melai Cantiveros pens funny birthday message for “best enemy” Jason Francisco

May nakatutuwang mensahe si Melai Cantiveros para sa asawang si Jason Francisco sa ika-35 kaarawan ng comedian-actor ngayong Martes, October 11, 2022.

Ayon sa Magandang Buhay host, si Jason ang kanyang “best enemy” sa tanang buhay niya.

Ngayon lang din daw niya naramdaman ang pagsasalpukan ng galit at pagmamahal na nauwi sa pagtutulungan.

Nakakatawang mensahe ni Melai (published as is), “Happy Birthday to the Best Enemy ive ever have in my Life ive never feel this hate and love collide in one collaboration [several laughing emojis].”

Dagdag pang biro ni Melai, maigi na lamang at mabuting ama si Jason sa dalawa nilang anak na sina Mela at Stela Francisco. Kung hind raw, walang mangyayaring collaboration kundi hate na lang.

Saad pa niya, “Hahahhah Char lang, mabuti nalang at tlagang Apaka buti mung Ama sa iyung mga anak dahil kung hindi tlagang, wala nang magiging collaboration ng Love and Hate , kundi hate nalang. Char lang .

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Happy Bday Papang always remember mawala na lahat sayu andtu kami mananatiling mag iingay sa buhay mu.”

View this post on Instagram

A post shared by Melai Cantiveros – Francisco (@mrandmrsfrancisco)

Nasubok na ng mga problema noon ang pagsasama nina Melai at Jason.

Noong July 2016, naghiwalay ang mag-asawa. Selos ang dahilan ng kanilang panandaliang hiwalayan.

Read: Melason admits marital problem; denies separation

Read: Melason no more?: Jason Francisco writes open letter about split with Melai Cantiveros

Nagkabalikan din sila pagkatapos ng dalawang buwan.

Read: Melason together again; Melai expecting second child with Jason

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post The UK’s Energy Price Control is Part of the Great Reset
Next post Press conference after Pfizer CEO Albert Bourla refused to answer in front of European Parliament