Mayor Lucy Torres-Gomez sworn in as Philippine Coast Guard Auxiliary Executive Squadron

Sa ginanap na 11th founding anniversary ng Coast Guard District–Eastern Visayas noong October 7, 2022, hinirang bilang Phillippine Coast Guard Auxiliary Executive Squadron si Ormoc City Mayor Lucy Torres-Gomez.

Ito ay sa ilalim ng HPCG Memorandum Circular 01-14 kung saan meron siyang honorary rank na Auxiliary Commodore.

Nakiisa rin sa pagtitipon ang asawa niyang si Leyte Fourth District Representative Richard Gomez at aktor na si Auxiliary Captain Diether Ocampo, na isa ring aktibong miyembro ng PCGA.

Ang ranggo ni Mayor Lucy ay nag-aatas sa kanya ng responsibilidad upang mapanatili ang katahimikan sa karagatan kung saan matagal na niyang ginawa kahit noong kongresista pa ito.

Ayon sa announcement ng Facebook page ng Philippine Coast Guard, “Ormoc City Mayor Lucy Torres-Gomez, nanumpa bilang pinakabagong miyembro ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) Executive Squadron!

“Pinangunahan ni PCG Commandant, CG Admiral Artemio M Abu, ang donning at oath-taking ceremony ni Auxiliary Commodore Torres-Gomez sa Ormoc City, Leyte kahapon, ika-07 ng Oktubre 2022.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakibahagi rito ang kanyang asawa na si Leyte Fourth District Representative Richard Gomez, at Auxiliary Captain Diether Ocampo na isa ring aktibong miyembro ng PCGA.

“Kasabay nito, pinasalamatan ng Ormoc City Government ang PCG sa patuloy na pagsuporta nito sa mga programa at polisiya ng lokal na pamahalaan.

“Ani Mayor Torres-Gomez, mahalaga ang mga Coast Guard personnel sa pagpapanatili ng seguridad at kaayusan sa siyudad.”

Dumalo rin sa pagtitipon sina CG Commodore Philipps Soria, CG Capt. Geoffrey Gervo, CG Capt. Neftali Castillo, PCol Nelvin Ricohermoso, SP Member Gregorio Yrastorza III, at iba pang miyembro ng men and women in uniform.

Ang ilan pang celebrities na nagsisilbing reservist sa iba’t ibang sangay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ay sina Mateo Guidicelli, Ronnie Liang, Rocco Nacino, Enzo Pineda, Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez, Geneva Cruz, at Arci Muñoz.

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post State-Owned Media Agency Leads Campaign to Cancel Science Paper Which Found ‘Climate Emergency’ Not Supported by Data
Next post Monopoly – who owns the world? Documentary by Tim Gielen