Marcus Madrigal opens up about having Chron’s disease: “…bigla na lang ako magpa-pass out.”

Naging bukas si Marcus Madrigal tungkol sa dinaranas niyang autoimmune disorder, ang Chron’s disease.

Ito ay isang uri ng life-long inflammatory bowel disease (IBD) kung saan namamaga at naiirita ang digestive tract ng isang tao.

Ilan sa sintomas nito ay abdominal pain, diarrhea, weight loss, at rectal bleeding.

Paliwanag ni Marcus: “Kaya sinabing part siya ng autoimmune disease kasi yung good bacteria mo, nilalabanan yung antibodies mo.

“Saka di kasi siya normal sa Asian ang magkarooon nun.

“Before, bigla na lang ako magpa-pass out. Yung pala wala na akong dugo because I pooped fresh blood.

“Marami nang beses, mga six times na akong nag-collapse.”

Eksklusibong napanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa story conference at media launch ng Pamilya Sa Dilim noong June 28, 2022.

Patuloy niya: “Minsan nasa isa akong event, wala, tinakbo na ako sa hospital. Kailangan akong salinan ng dugo kasi dugo talaga ang dinudumi ko. Anemic na ako.

Continue reading below ↓

“Ang pinakamalala itong pandemic nung March 2020. Naospital ako nung March ‘tapos nung sumunod na buwan, napasok uli ako kasi mali pala yung bigay sa akin ng doktor.”

Ayon kay Marcus, ang Chron’s disease ay isang uri ng sakit na maaaring nasa sistema na ng isang tao mula nang ipinanganak ito.

Dagdag din ng aktor, malaki ang halaga na kakailanganin para magamot ang sakit na ito.

“Sabi nung doctor sa akin, simula nung bata ka pa lang, pinanganak ka pa lang mayroon ka na niyan kasi genes mo iyan. Very rare lang sa Asian ang magkaroon niyan, usually mga Americans.

“Actually, di naman siya nawala pero nagme-maintance ako ng gamot. Medyo mahal.

“Ngayon naman, ang nangyayari sa dami ng experience ko dun, nakokontrol ko na siya with my gamot. I’m drinking [medicines] with steriods.

“‘Tapos mayroon pa akong iniinom na para siyang granules, ang mahal lang PHP180 isa.”

May medical treatment din na nirekomenda ang doktor ni Marcus, pero hindi raw niya kayang gastusan.

Continue reading below ↓

Base sa computation ni Marcus, posibleng umabot ng PHP600,000 ang pagpapagamot para mabawasan ang flare-ups ng kanyang sakit.

Aniya, “May gamot siya ngayon pero sobrang mahal. Parang dadaan ka sa program, every six weeks i-inject ka, PHP106,000 each.

“Six months yata siya na gamutan. May interval yun. Like yung first injection may interval ng four weeks.”

Pero hindi hadlang ang kalagayan niya para tumigil sa paghahanap-buhay.

At lubos din ang kanyang pasasalamat dahil may opportunity pa rin siyang umarte, at ang latest project nga niya ay ang Pamilya Sa Dilim, kung saan kasama niya sina Laurice Guillen, Ina Feleo, Sunshine Cruz, at Allen Dizon.

#lifestyle-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

a {
color : #D60248;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Previous post The Next ‘Great Pandemic’ Claiming Astronomical Death Counts Is Now Being Telegraphed and Marketed to the Public?
Next post Revelation! Yes! ‘Scientists reveal that mRNA technology which gives you heart attacks is a cure for heart attacks.’ If you are terminally naive and plain outright stupid you’ll believe it. Anyone with a smear of intelligence will simply shake their head and giggle