Lone passer in 2022 Real Estate Consultant Board Exam calls her victory “bittersweet”

Nag-iisa si Ma. Dani Vi Patal Edrad ng University of the Philippines–Diliman na nakapasa sa Real Estate Consultant Licensure Examination.

Solo ang pangalan ni Dani sa inilabas na official result ng Professional Regulation Commission. Hindi nakalagay kung ano ang average na kanyang nakuha.

2022 real estate consultant board exam

Labimpito (17) ang ang kabuuang bilang ng mga kumuha ng nasabing board exam na ginanap noong December 7, 2022 at January 9, 2023.

Inilabas naman ang resulta nitong January 17, 2023.

Labing-anim (16) naman ang schools na nag-participate sa licensure exam na ito.

HOW DANI FEELS ABOUT BEING LONE PASSER

Halatang overwhelmed si Dani sa kanyang achievement.

“Hindi ako makakain at nahihirapan akong huminga… Para akong tumama sa lotto. Para akong nagkaroon ng sampung boyfriends…” may halong biro niyang post sa Facebook nitong January 17, 2022.

Itinuturing niya itong magandang birthday gift. Lumalabas na nagdiwang ng kanyang kaarawan si Dani sa unang linggo ng Enero.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kabila nito, sinabi din niyang “bittersweet” ang kanyang pagkakapasa. Mahihinuhang nalulungkot si Dani na hindi pumasa ang kanyang batchmates.

Post niya: “Thank you Lord! Bittersweet Birthday gift for me… i love my batchmates. they are all excellent professionals too… nkkatuwa ung comments sa link ng mga netizens.”

Pinasalamatan ni Dani ang kanyang mga kaibigan, pamilya at lahat ng mga tumulong sa kanya.

“Licensed Consultant at your service,” pagtatapos ng kanyang FB post.

2022 real estate consultant board exam

CONTINUE READING BELOW ↓

NOOD KA MUNA!

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Britain’s Populist Revolt has Changed Politics Forever. A Political Realignment of People vs Elites
Next post Aicelle Santos mourns death of her mother: “Fly free now.”