Kyle Zandrew Barde, Top 9 sa criminologist exam after 6 years sa college, 3 schools, ilang bagsak

Tinatanong ni Kyle Zandrew Perez Barde kung ano ang nagawa niya para bigyan siya ng Diyos ng sobra-sobrang pagpapala.

Sa kanyang Facebook post noong July 30, ibinahagi ni Kyle ang kanyang naging masalimuot na buhay.

“I made a lot of mistakes in the past—more than I care to admit. And looking back, there were some of the darkest moments in my life.”

Kyle Zandrew Barde in graduation photo

Si Kyle ay nagtapos ng Bachelor of Science in Criminology sa University of Batangas.

Top 9 siya sa June 2022 Criminologist Licensure Examination, at may rating na 88.25 percent.

Kuwento niya, anim na taon ang inilagi niya sa kolehiyo bago siya nakapagtapos.

Apat na taon siyang naging irregular student.

Naranasan din niyang mag-stop sa pag-aaral sa loob ng isang taon.

Tatlong campus ang kanyang pinasukan.

May isang semester na wala siyang naipasa kahit isang subject.

Kada semester, lagi siyang gumagawa ng promissory note dahil hindi nakakabayad ng tuition fee on time.

Minsan, wala rin siyang baon.

Noon, ang madalas naman niyang itanong sa Diyos ay kung ano ang kanyang nagawa para maging ganito ang kanyang kapalaran.

Pero hindi umano siya pinanghinaan ng loob.

At malaki ang pasasalamt niya sa kanyang parents dahil hinayaan siyang magkamali, matuto, bumangon at magdesisyon para sa kanyang sarili.

Aniya, “Hindi ko inisip na kawawa ako. Ang iniisip ko, mas kawawa ang mga magulang ko.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“May mga pagkakataon na tinitingnan ko sila habang natutulog at sinasabi ko sa sarili ko na, ‘If I couldn’t give them everything that they need in life, I could at least, somehow, make them proud.’”

Mahal na mahal niya ang kanyang ama’t ina.

“Sila ang kayamanan ko.”

Maraming tumulong sa kanya na naging instrumento para maipagpatuloy niya ang pag-aaral.

“Hindi ko siguro magagawang isa-isahin silang lahat, pero sa isang bagay lang ako sigurado—wala ako rito kung hindi dahil sa inyo.

“Naisip ko nga na siguro nakulitan na ang Diyos sa dami ng mga taong ipinagdadasal na sana pumasa ako.

“Utang ko sa mga kaibigan, guro, pamilya at iba pang mga sumuporta sa akin ang lahat.”

Pinakamasarap naman sa pakiramdam niya nang lumabas ang resulta ng board exam, at makita ang ngiti sa mga mukha ng kanyang ama’t ina habang hawak ng mga ito ang tarpaulin ng pagbati sa kanyang tagumpay.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “It was all worth it.”

Kyle Zandrew Barde with a big check

Bilang incentive, nakatanggap si Kyle ng PHP15,000 mula sa pamunuan ng University of Batangas.

Ayon pa kay Kyle ay hindi naman talaga siya magaling.

“Pero salamat sa mga naniwala at nagtiwala sa potensiyal ko. Hilaw pa ako sa karanasan, pero patuloy akong mananatiling uhaw sa karunungan.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Alam na rin niya ang sagot sa mga tanong niya sa Diyos.

“Naunawaan ko, higit sa lahat, na I was just delayed—never denied.”

#lifestyle-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

a {
color : #D60248;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Previous post What Do YOU Mean When You Say ”5G”?
Next post Germany Hits Wall Of Reality, Reconnects First Coal Power Plant To Energy Grid