Kristie Louiela Arendain cum laude against all odds: “All I have is grit.”

Sinong mag-aakala na ang kakulangan sa height ang magtuturo kay Kristie Louiela L. Arendain ng kanyang daan na tatahakin.

Hindi kasi nakapasa si Kristie, 24, ng Banaybanay, Davao Oriental sa height requirement ng kursong hotel and restaurant management.

Sabi ni Kristie sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nang mag-inquire ako sa school na pinasukan ko, they told me I was too short. Ibinaling ko na ang direksiyon ko sa pagkuha ng social work.”

Na-inspire din si Kristie na sundan ang mga yapak ng kanyang kaibigang si Mae, na isang social worker sa kanilang lalawigan.

Photo of Kristie Louiela Arendain

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Nakausap siy Kristie ng PEP.ph noong October 6, 2022 via Facebook Messenger.

Aniya, nang mag-enroll siya noong 2017, wala siyang idea sa lawak ng sakop ng kursong social work.

Gayunpaman, “I slowly appreciated what social work is, and the beauty of my course. I fell in love with it.”

Nagtapos si Kristie sa The University of Mindanao bilang cum laude. Sa October 19, 2022, ang schedule ng kanilang graduation.

Read also: Melanie Piedad, cum laude, Top 4, at sinabihan noon ng, “Hindi ka makakapagtapos ng pag-aaral.”

STRUGGLE ANG PAG-AARAL SA KOLEHIYO

Si Kristie ay panganay sa apat na magkakapatid na puro babae. Nagsasaka sa palayan ang kanyang ama at housekeeper ang kanyang ina.

Pagbabahagi ni Kristie, dahil sa kanilang kahirapan, naging struggle para parents niya ang pagpapaaral sa kanilang magkakapatid.

“Pero kahit nagkakautang na sila, hindi papayag sina Mama at Papa na titigil kami sa pag-aaral.”

Dahil maagang namulat sa hirap ng buhay at sa pagsisikap ng kanyang parents para maitaguyod lang sila, ani Kristie, “Natuto kaming magkakapatid na makuntento kung anong meron kami.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kolehiyo ay sinunod niya ang kagustuhang makapasok sa kanyang dream school.

“Pero dahil private, alam kong di kakayanin ng parents ko kasi dalawa na kaming college at dalawa rin ang high school.”

Noong first year siya ay umasa pa siya sa kanyang parents. Unti-unti, naramdaman niya ang hirap at mga problemang pinansyal.

“Naranasan kong hindi makapag-exam dahil hindi ako nakabayad ng exam permit na PHP2,000-plus every two weeks.”

Nahihiya naman siyang magsabi sa kanyang parents dahil siya ang nagdesisyon na mag-aral sa private school.

“Para makatipid at pagkasyahin ang aking PHP500 allowance for seven days, I only ate twice or once a day. Magtatabi pa ako ng budget for my projects and house rental.”

Read also: Meet Grace Mapanao, board topnotcher at age 48

BINAHA ANG MGA GAMIT

Hindi lang sa pinansyal nahirapan si Kristie.

Nagkataong binaha ang boarding house at ang surrounding area na tinutuluyan niya.

“Nabasa at nagkaputik lahat ng gamit ko. I need to start again from the bottom kasi we need to evacuate and transfer kasi delikado na.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang hirap mag-adjust, lalo na at first year pa lang ako at malayo sa parents. Ang hirap maghanap ng matitirahan na nagsisimula na ang klase, nangangapa pa ako at hindi alam kung ano ang uunahin.”

Suwerte naman na isang childhood friend ni Kristie ang kumupkop sa kanya.

“Pinatira niya ako sa relatives niya kung saan din siya nakatira. I’m very grateful kasi during that time, I was about to give up na dahil hindi ko kaya ang gastos sa school, allowance, rental payments, and projects… dumagdag pa ang baha.”

“BIGGEST OPPORTUNITY AND BREAK”

May blessing naman na dumating kay Kristie.

“Inirekomenda ako para sa internal scholarship ng aming school, kung saan magtatrabaho ako as Student Training Assistant (STA).

“I took the opportunity and was hired as STA assigned in UM Broadcasting Network, radio station 92.3 Wild FM office.”

Nagtatrabaho siya mula 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m. Pumapasok naman siya sa school mula 5:30 p.m. hanggang 9:30 p.m.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Kristie, iyon ang “biggest opportunity and break” para siya maka-survive sa buhay college.

Kristie Louiela Arendain holding a book

“Bilang STA, I got a 100 percent scholarship plus cash allowance.”

Nagkaroon pa siya ng ekstrang trabaho nang kunin siyang landlady ng kanyang supervisor para sa boarding house nito.

“After ng klase, balik na ako sa boarding house para magtapon ng basura. Sa umaga, nililinis ko ang common comfort room at lobby ng mga boarders.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Pagkatapos, diretso na ako sa aking 8:00 a.m. duty sa radio station.”

Bukod dito ay may iba pa palang raket si Kristie.

“Nagtinda rin ako ng mango float, chocolates, macaroons, at beauty products sa school.

“Kumikita rin ako sa pagtulong sa ibang estudyante sa kanilang paperworks.”

Kaya pagmamalaki niya, hindi na siya humihingi sa parents niya ng allowance, nakakaipon pa siya para sa future payments and projects sa school.

“Nagpakasipag ako kasi gusto kong matupad ang pangarap kong maka-graduate. Inabot ako ng five years sa college due to my multiple roles and responsibilities, but now, I’m finally reaping the fruit of my grit.”

FIVE YEARS SA KOLEHIYO PERO CUM LAUDE

Samantala, mayroon ding personal struggle si Kristie na kinaharap noong college.

Seryoso siya sa pag-aaral at hindi nagpapabaya sa kanyang mga responsibilidad bilang estudyante.

“Kaso hindi ko forte ang oral recitation. When I speak, parang name-mental block ako. Mababa rin ang self confidence ko.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya pakiramdam niya, napag-iiwanan siya ng mga kaklase.

“Naiinggit ako sa magagaling magsalita sa harap ng maraming tao… na sana ako rin.”

Kristie Louiela Arendain studying

Para makabawi, hinasa niya ang sarili sa ibang aspeto gaya ng maayos na pagsusulat.

“As a result, I sometimes aced written exams, projects, and research.”

Dahil nagtatrabaho, naging irregular student siya at inabot ng limang taon bago niya nakumpleto ang kanyang kurso.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Inialay ni Kristie ang kanyang diploma sa Diyos, sa mga taong tumulong sa kanya, at sa kanyang parents.

“Ang parents ko ang aking inspiration sa bawat pagsusumikap ko.

“At sa aking sarili kasi I made it sa kabila ng hirap ng buhay. I want to embrace myself for the job well done.”

Hindi kasi niya inakala na magtatapos siyang cum laude.

“Given that I had limited and scheduled time as a working student, being a cum laude is a surprise… at gift na rin ni God sa akin.

“I am no exceptional notable student nor a dean’s lister. All I have is grit.”

Sa ngayon ay naghahanda si Kristie sa pagkuha ng board exam.

“As part of my preparation, I’m planning to apply sa Social Welfare Development Office ng aming munisipyo for work exposure.

“More on situational kasi ang board exam, and I want to learn through direct practice.”

Read also: Nevien Dandoy, cum laude at Top 2 sa board exam; na-judge, na-discriminate, hindi nagpatalo

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Security Solutions for U.S. Schools Includes A.I. Gun-Detection Tech, Full-Body Scanners, Online Monitoring; Est. $3B/Year Industry
Next post Europe’s Dark Winter Woes Worsen: Ukraine Stops Exporting Electricity To Europe