Kris Aquino admits coming close to giving up, but no; will undergo chemotherapy to ease autoimmune conditions

Makalipas ang higit dalawang buwang social media break, nagbigay ng update si Kris Aquino sa kanyang health situation.

Nasa U.S. pa rin si Kris para sa patuloy na pagpapagamot ng kanyang sakit.

Ngayong Miyerkules, September 7, 2022, ibinahagi ni Kris na mayroon siyang apat na autoimmune conditions.

Tatlo rito ay na-diagnose sa Pilipinas, at ang isa ay natuklasan ng kanyang mga doktor sa Houston, Texas.

Taliwas daw ito sa update ng kanyang nakatatandang kapatid na si Ballsy Aquino na waring nalito na sa kanyang kalagayan.

“Unfortunately all my physical manifestations are pointing to a possible 5th — opo pinakyaw ko na!” dagdag na hirit ni Kris, na nakuha pa ring pagaanin ang kanyang sitwasyon.

Ayon pa kay Kris, nakatakda siyang sumailalim sa chemotherapy, hindi dahil siya ay may cancer kundi para sa kanyang autoimmune conditions.

Paliwanag niya (published as is), “i am grateful to be blessed to have the means for us to move to another state, and have more tests done & go to other specialists; and finally start my immunosuppressant therapy.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“i was warned that the safest form of chemotherapy (i don’t have cancer) that can be used for my autoimmune conditions will make me lose my hair.

“Hair will eventually grow back but permanently damaged organs won’t- so dedma muna sa vanity.”

STAYING POSITIVE

Inamin din ni Kris sa kanyang Instagram post na hindi biro ang pinagdadaanan niyang sakit dahil sa kanyang health issues.

Pero ang tanging nagbibigay raw ng lakas ng loob sa kanya ay ang pagmamahal ng anak na sina Joshua at Bimby, mga kapamilya, mga kaibigan, at supporters na patuloy na nagdadasal para sa kanya.

“There have been times i wanted to give up — because of fatigue & being forever bedridden; the bruises all over my body that suddenly appear;

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“my inability(since February) to tolerate solid food; headaches;

“bone deep pain in my spine, knees, joints in my fingers; and my constant flares esp. in my face that just keep getting worse…

“BUT i remind myself Kuya & Bimb still need me & mahiya naman ako sa lahat ng mga patuloy na nagdarasal para gumanda ang kalusugan ko if i just give up.”

Binanggit ni Kris na may nakakabit sa kanyang PICC line o peripherally inserted central catheter na nakakabit sa vein malapit sa puso.

Ginagamit ito para sa long-term intravenous antibiotics, antibiotics, nutrition or medications, at blood draws, ayon sa www.chop.edu.

Ani Kris,”Tomorrow morning (our time) rest muna my left arm because tatanggalin my PICC line.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

KRIS’S AUTOIMMUNE DISEASES

May 2022 nang unang ibalita ni Kris ang tungkol sa tatlo niyang autoimmune conditions — chronic spontaneous urticaria, autoimmune thyroiditis, at vasculitis o late stage 3 ng Churg Strauss Sundrome.

Ang chronic spontaneous urticaria, ayon sa webmd.com, ay ang pagkakaroon ng episodic hives o “raised, red, itchy bumps” sa balat.

Ang autoimmune thyroiditis o Hashimoto’s disease, ayon sa mayoclinic.org, ay sakit kunsaan pinapatay ng immune-system cells ang hormone-producing cells sa thyroid gland. Ang thyroid gland ay gumagawa ng hormones na kumokontrol sa metabolic functions ng katawan.

Ang Churg Strauss Syndrome, ayon sa radiseases.org, ay isang rare disorder na maaaring makasira sa multiple organ systems, partikular na sa lungs. Nagkakaroon ng “abnormal clustering” ng white blood cells sa blood at tissues, “inflammation of blood vessels o vasculitis, at “development of inflammatory nodular lesions.” Kadalasang naaapektuhan nito ay mga indibidwal na may history ng allergy.

Ang third phase ng Churg-Strauss syndrome ay tinatawag na “vasculitic phase” kunsaan nagkakaroon ng “widespread inflammation” ng blood vessels at pagharang o pagbagal ng pagdaloy ng dugo sa iba-ibang organs ng katawan.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-aalala raw ang mga doktor ni Kris sa Pinas sa posibleng “organ damage” sa kanyang puso at baga kung hindi siya magagamot.

Sa Houston niya napagdesisyunang magpagamot dahil doon may gamot na tatalab sa kanyang sakit. Allergic kasi siya sa lahat ng steroids na panlaban sana sa autoimmune conditions.

Nabanggit din ni Kris noon na kailangan ng “chemotherapy as my immunosuppressant” para hindi masira ang healthy tissues at cells ng kanyang katawan.

#lifestyle-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

a {
color : #D60248;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post A Patent Issued for The Purpose of Contact Tracing All Fake Vaccinated Humans Worldwide – ‘Wake up stupid little sheep. You are being led to your slaughter.’
Next post Roboshops really are the end of civilisation as everything we do increasingly has to be recorded on a supercomputer in a Nevada desert