Kokoy de Santos reveals sending Instagram direct message to California-based YouTuber

Namamayagpag sa ratings ang Running Man Philippines.

Ang Philippine adaptation ng hit Korean reality show ang isa sa may pinakamataas na ratings sa mga Kapuso programs.

Kaya naman ganun na lang ang pasasalamat ni Kokoy de Santos, na isa sa mga Pinoy runners.

“Sobrang thankful na maging parte ng programang ito,” ang umpisang bulalas ng Kapuso actor.

“At siyempre sa bumbuo ng Running Man Philippines. Siyempre sa dinami-rami ng puwedeng i-cast dito, di ba, napasama ako? Tsaka bago lang naman ako sa GMA, kaya sobrang thankful ako na maging part.

“At sa lahat ng mga nanonood ng Running Man, lahat ng supporters ng Running Man Philippines, thank you!”

Bukod kay Kokoy ay kasama rin sa Running Man Philippines sina Mikael Daez, Glaiza de Castro, Angel Guardian, Lexi Gonzales, Buboy Villar at Ruru Madrid.

a hit with the kolokoys

Isa si Kokoy sa tinitilian ng mga fans saan man siya magpunta.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Kapag may mall show na kasama siya ay madalas na isa siya sa may pinakamalakas na hiyawan mula sa mga fans.

Sa palagay niya, bakit ganoon na lamang ang karisma at atraksyon niya sa mga tao, lalo na sa mga teenagers?

“Blessed lang ni Lord.

“Hindi ko alam, hindi ko nga rin alam,” natatawa niyang pag-amin.

May mga nagsasabing mapagmahal kasi si Kokoy sa kanyang mga fans, sa kanyang mga “Kolokoys.”

Sang-ayon si Kokoy dito dahil siya raw mismo ay alam ang pakiramdam na maging isang fan.

Kuwento ng aktor, “Mahal ko talaga sila! Kasi bilang ako nga fan din ako, madami rin akong hinahangaan.

“And yung feeling na pag napapansin ako ng hinahangaan ko, parang ano siya e, ibang klaseng experience. Parang lifetime mo siyang bibitbitin.

“So ako, bilang andito ako sa posisyon ko ngayon na may mga tagahanga naman kahit papaano, as in ang mga Kolokoys ko, papansinin ko sila.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ng Kapuso actor, kung kaya lang niyang isa-isahin ang kanyang fans ay gagawin niya.

“Pero hindi kaya, e, hindi talaga kaya,” at natawa si Kokoy.

“So hangga’t maaari nag-e-engage ako sa kanila lagi, lalo na kapag in person. Sa social media hindi rin masyado e, di ba?

“So bakit hindi, di ba? As a fan,” ang nakangiting sinabi pa ni Kokoy.

Noon ngang mall show nila para sa Running Man Philippines, may mga fans na nag-eroplano pa paluwas ng Maynila para lamang makita nang personal si Kokoy.

“Masaya, masaya, di ba? Actually pinangarap ko talaga na makapag-perform sa harap ng maraming tao.”

kokoy on his idols

Nabanggit ni Kokoy na siya man ay isang fan.

Sino ba ang mga iniidolo niya?

“Madami! Well, sa basketball na lang, nandito tayo ngayon sa court, fan na fan ako ni Lebron James, ni Michael Jordan.”

Dahil din sa kanyang pagiging vlogger ay mayroon siyang tinitingala na kapwa content creator.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa ngayon, wala talagang tsansa na ma-meet ko sila, pero katulad nung mga sa YouTuber.

“Alam mo yung since nagba-vlog din ako so meron akong ina-idolize na YouTuber since 2013 pa. Sneakerhead siya so mahilig siya sa sapatos. E, mahilig ako sa sapatos.”

Mula Los Angeles, California raw ang YouTuber na idol ni Kokoy, at sinubukan niyang mag-message sa Instagram page nito.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Paglalahad ng aktor, “Pinansin ako, nag-DM lang ako sa IG, si Richie Le!

“Nag-DM ako sa IG nag-reply siya!

“Parang, ‘Thank you for inspiring!’

“Parang ganun, kasi ako na-inspire talaga ako.”

Sumagot daw si Richie sa direct message ni Kokoy sa Instagram account nito.

“Nalimutan ko na e,” sabay-kamot ni Kokoy sa ulo niya, “Basta pinansin niya ako.”

May iniidolo rin daw siyang Korean artist dahil mahilig si Kokoy sa art.

Nakilala niya ito nang personal noong nasa South Korea sila para sa taping ng Running Man Philippines.

“May mineet kaming mga artist ni Mikael na na-meet namin talaga in person, as in pinagkape kami, ganyan.

“So parang, ‘Wow! Parang iba ang moment na ito!”

“So feeling ko… hindi naman siguro ganun yung feeling nung ibang Kolokoys ko, pero ano ba naman yung magbalik ka.

“Parang wala namang ginawa itong mga taong ito para hindi mo pansinin. Gumastos sila, nag-effort sila para makita ka, you might as well give back sa ganung way.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Nakausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) si Kokoy noong nakaraang Sabado, October 15, 2022, sa GMA/NCAA All-Star Celebrity Basketball sa FilOil EcoOil Center sa San Juan.

Bukod kay Kokoy ay naglaro rin ang mga Sparkle at Kapuso stars na sina Jeric Gonzales, Prince Clemente, Kirst Viray, at Jose Sarasola; ang mga PBA legends na sina Marlou Aquino at Willie Miller; at ang muse nilang si Shaira Diaz.

Nasa ibang koponan naman sina Pancho Magno, Migs Villasis, at Raheel Bhyria, kasama ang mga PBA legends na sina Jerry Codiñera at Allan Caidic, ang muse nilang si Lianne Valentin, at ang mga NCAA athletes.

Dumalo rin ang GMA RTV & Synergy First VP and Head na si Oliver Amoroso.

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Climate Protesters Glue Hands To Porsche Showroom — Then Complain After Realizing They Have No Way to Pee
Next post Australia is a testing ground for what’s coming to the United Kingdom this winter