Kiray Celis gifts father with “63K sa 63 years old birthday boy!”

Tumataginting na PHP63,000 ang regalo ni Kiray Celis sa kanyang amang si Jonathan o Papa Than na nagdiwang ng ika-63 kaarawan.

Noong July 16, 2022 ay i-pinost ni Kiray sa Facebook ang video kung saan makikitang sinorpresa niya ang kanyang tatay nang bigyan niya ito ng tatlong smashable cakes, at isa rito ay may lamang PHP63,000.

Caption ni Kiray (published as is), “63K sa 63 years old birthday boy!

“Maubos man ang ipon ko sa kakapa money cake sainyo every birthday niyo ni mama, okay lang.

“Sobrang thankful at blessed ako taon taon na nadadagdagan lagi ang buhay niyo. Mahal na mahal ko kayo papa at mama! (red heart emoji).”

Napalundag sa saya ang kanyang tatay nang tanggapin nito mula kay Kiray ang regalong PHP63, 000.

Hiling naman ng kanyang Papa Than na nawa’y walang magkasakit sa kanilang pamilya.

Maliban sa pera ay binigyan din ng aktres ang kanyang tatay at nanay ng tig-iisang gold necklace.

Continue reading below ↓

NETIZENS REACT

Sa comments section ng nasabing video ay bumuhos ang pagbati at paghanga sa ginawang pagsorpresa ni Kiray.

Maraming mga netizens ang natuwa sa pagiging generous ni Kiray sa kanyang mga magulang.

Narito ang ilang mga komento:
Kiray Celis

Continue reading below ↓

Kiray Celis

Kiray Celis

Continue reading below ↓

Kiray Celis

Hindi ito ang unang pagkakataong sinorpresa ni Kiray ang kanyang mga magulang.

Noong nakaraang taon, sa ika-62 kaarawan ng kanyang ama ay PHP62,000 rin ang regalo ni Kiray, at PHP56,000 naman ang niregalo niya sa kanyang ina nang magdiwang ito ng ika-56 kaarawan.

#lifestyle-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

a {
color : #D60248;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Previous post We Treat You Like a Moron: News Update!
Next post Davos reveals building blocks for “green” social credit system