Kapuso actor Ken Chan, only 29, makes hay outside showbiz as entrepreneur and restaurateur

Isa sa napagtanto ni Ken Chan nang dumating ang pandemya ay dapat mayroon siyang naisip na fallback kung sakaling mawalan ng trabaho sa pag-aartista.

Halos isang taon silang walang trabaho kaya nag-isip siya kung ano ang magandang negosyong bubuksan kahit nasa pandemya pa rin.

Taong 2020 daw nila plinano ng kapatid niya at ilang kaibigan na magtayo ng negosyo.

Noon pa man ay gusto na raw niyang magkaroon ng restaurant, pero inuna muna nilang magtayo ng gas station sa iba-ibang probinsya.

Ito yung iFuel na wala pang isang taon ay mayroon nang sampung branches.

“Meron na sa Antipolo, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Cavite, sa Cebu, may tatlo po kami.

Mas sa probinsiya po kami, kasi malakas po ang gas station sa probinsiya,” sabi ni Ken sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanyang Café Claus sa Greenhills nung Huwebes, August 18, 2022.

CHRISTMAS-THEMED RESTAURANT

Excited daw si Ken sa itinayong restaurant bilang ideya niya ang magkaroon ng café na Christmas ang motif.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya,“Gusto ko talaga Chinese restaurant, kasi mahilig ako sa Chinese food.

“Pero nung tumatanda ako, ang sabi ko, ang dami ng iba’t ibang restaurants na…paano kaya magiging unique?

“So, nag-isip po ako. Napansin ko dito sa Pilipinas, we celebrate na simula ‘ber month’ hanggang January.

“Nagsi-celebrate tayong Pinoy ng Christmas, ni isang Christmas café or restaurant, wala.

“So, nung pumunta po ako sa New York, nakita ko ang daming Christmas café dun, Christmas restaurants na kahit hindi Pasko, bukas.

“Sabi ko, ‘Bakit walang ganito sa Pilipinas? Sayang yung pagkakataon.’ So, I took that opportunity na dalhin ko ito sa Pilipinas.

“Gusto ko parang noche buena ang dating.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

his DAD’S INFLUENCE, KUYA GERM’S ADVICE

Sa loob din ng isang taon ay nakatatlong branches na ang Christmas café ni Ken.

Una niya itong itinayo sa Tandang Sora, Quezon City malapit sa kanyang bahay.

Pangalawa ay sa Greenhills, at sa September 18 ay bubuksan daw niya ang pangatlong branch sa may Eastwood City.

“Ang maganda dito sa Café Claus, every branch, iba’t iba ang Christmas. Yung first branch ko sa Tandang Sora, it’s a French Christmas.

“This one, itong Greenhills, it’s German Christmas. Itong bahay na ‘to ay hango po ‘yan sa traditional German houses.

“Yung Eastwood naman po, it’s American Colonial Christmas. 1930s, 1940s Christmas. Doon may stage, may Jazz singer.”

Malaking bagay raw ang impluwensiya ng kanyang ama na dating may Chinese restaurant sa Quezon City at sa Pampanga.

Naniniwala ang 29-year-old Kapuso actor na kailangan lang ng lakasan ng loob kapag magtayo ng ganitong negosyo sa panahon ng pandemya.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad niya, “Nung una, bago kami mag-open ng first branch, kabado kasi may pandemic, e.

“Lakasan lang ng loob. Pero hindi ko akalain na makapagtayo po kami ng second branch and third branch.

“Yung second branch and third branch, it means that yung unang branch namin ay naging okay siya at naging successful…

“Wala pang one year, nakapagtayo na kami ng tatlong branch.”

Hindi raw niya nakakalimutan ang laging payo sa kanya ni Kuya Germs, ang yumaong Master Showman na si German Moreno, na dapat mag-ipon nang mag-ipon para makapagnegosyo.

Pagbabahagi ni Ken, “Nung nasa showbiz ako na walang business, medyo kabado ako. Paano kung wala nang showbiz. Yun ang natutunan ko nung pandemic.

“Kasi nung pandemic, talagang nawala yung industriya natin, e. Iyon yung realization ko na hindi puwedeng walang business.

“Ito yung sinasabi ni Kuya Germs before, na kailangang mag-business, mag-business.

“So, malaking impact sa akin yung COVID, yung pandemya, kung bakit lumakas yung loob ko na magtayo ng… to put up my own business.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman daw niya iiwan ang showbiz kahit maganda na ang takbo ng negosyo niya.

Mabuti nga raw na meron nang mga taping na hindi nagla-lock-in kaya personal na niyang naaasikaso ang kanyang negosyo, lalo na ang kanyang restaurants.

PRACTICAL SPENDER, LOVELESS

Ipinagmamalaki ni Ken na dahil sa pagiging matipid niya ay nakapag-ipon siya at mabilis siyang nakapagpundar sa negosyo.

“Tama lang. Hindi lang ako magastos,” pakli niya sa tanong namin kung kuripot ba siya.

Hindi raw siya yung tipong bili nang bili ng gadgets o anong gamit na hindi naman gaanong kailangan.

“Hindi po ako bumibili ng mga signature na branded na mga gamit.

“Hindi ko po hilig talaga. Hindi lang ako maluho na tao. I’m proud of that.

“Itong phone ko, gift ‘to sa akin. Never ako nagkaroon ng laptop sa buong buhay ko.

“Mas more on property po, yun ang gift ko sa sarili ko, para sa pamilya ko.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya isinasantabi raw muna niya ang personal na pangangailangan, kagaya ng love life.

Sabi pa ni Ken, “Dito ko na-realize na isinantabi ko muna yung personal na….kaya namang pagsabayin.

“Hindi ko naman masasabi na hindi ko kaya. Pero hindi ko kasi hinahanap, e, hinihintay ko na lang na darating.”

Napapangiti pa niyang pahayag, “Wala e. Ang sarap maging… after nun, naging single po ako.

“Meron naman po akong nakaka-date. Pero hindi ko pinapasok na relationship na talagang yung tipong… kailangan talaga. Ini-enjoy ko lang muna.”

Ayaw ni Ken magpaka-morbid, pero pinaghahandaan lang daw niya na kung sakaling may mangyari sa kanya, meron siyang maiiwan sa kanyang pamilya.

“Knock on wood… na pag naiisip ko na nagpapa-thank you ako kay God na pag kunwari, mawala man ako dito sa mundo, kampante ako na mawawala na alam kong maiiwan ako para sa pamilya ko.”

#lifestyle-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

a {
color : #D60248;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Previous post App Warning: With One Photo, Strangers Can Find Your Information
Next post Spain Bans Setting AC Below 27°C (81°F)