Julia Montes spreads kilig vibes in her birthday message to boyfriend Coco Martin

Halatang hindi na itinatago sa publiko ni Julia Montes ang kung anumang merong namamagitan sa kanila ng aktor na si Coco Martin.

Sa Instagram, binati ni Julia si Coco sa ika-41 kaarawan ng aktor kahapon, November 1, 2022, sa pamamagitan ng pagbahagi nito ng larawan nilang dalawang magkasama.

Maaaring kuha ang larawan sa huling taping days noon ng Ang Probinsyano kung saan isa si Julia sa mga nagbida.

Sa larawan, tila may dugo sa mukha ni Julia na maaaring galing sa isang eksenang kinunan sa serye.

Hindi naman ito matatawag na Halloween look ni Julia dahil malinis ang hitsura ni Coco. Kita rin sa likuran nila ang tila crew na may hawak na mga kable.

Caption ni Julia: “continue to be YOU .. Happy Birthday [cake, balloon emojis]”

View this post on Instagram

A post shared by Julia Montes (@montesjulia08)

Bumuhos naman ang birthday greetings mula sa celebrities na kaibigan ng dalawa.

Kabilang na rito sina Dimples Romana, Ryan Bang, Teresa Loyzaga, Jay Gonzaga, Melissa Ricks, at Kokoy de Santos.

Julia Montes friends messages

Bumati rin sina Arlene Muhlach, Denise Laurel, Vina Morales, at Ana Roces.

Julia Montes friends messages

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

THE RUMORED RELATIONSHIP

Matagal nang bulung-bulungang may namamagitan kina Julia at Coco mula nang magkatrabaho sila sa teleseryeng Walang Hanggan noong 2012.

Noong October 2018 ay lumipad si Julia patungong Germany kunsaan nakabase ang kanyang ama.

Naging kapansin-pansin ang pagkawala ni Julia sa sirkulasyon sa showbiz.

Hanggang sa pumutok ang balitang lihim na nagsilang ng anak si Julia noong huling bahagi ng March 2019, sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.

Ayon sa scoop ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kinumpirma ng showbiz insiders ang panganganak ni Julia.

Nakasaad din sa PEP.ph report na, ayon sa insiders, si Coco ang tatay ng anak ni Julia.

Read: Showbiz insiders confirm Julia Montes has given birth

Bagamat may mga pahiwatig na tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon, hindi pa rin direktang nagsasalita o umaamin sina Julia at Coco.

Nitong nakaraang August 2022, napagdiskitahan ng netizens ang tila diamond engagement ring na suot ni Julia sa isang video sa reunion nila nina Dimples at Kathryn Bernardo.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Hinala ng netizens, baka ito na raw ang engagement ring na bigay ng matagal nang napapabalitang nobyong si Coco.

Read: Julia Montes spotted wearing an engagement ring anew?

Nitong nakaraang October 2022, agaw-pansin din ang suot na singsing—malaki at may makinang na bato—sa ring finger ng kaliwang kamay ng aktres.

Read: Julia Montes flashes huge diamond ring; netizens ask, “engagement ring ba yan?”

Tanging pag-amin na lang ang kulang mula sa dalawa para mabuo na ang inaasam-asam na pangtotohanang tambalan ng Coco-Juls fans.

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Kerala: Pregnant Woman Dies Two Weeks After First Covishield Dose
Next post Abu Dhabi Regulator Introduces Its Guiding Principles For Crypto