Jelai Andres, Buboy Villar join hotdog party for rescued dogs in Bacolod

Dogs know how to be party animals, too, literally.

Ito ang pinatunayan ng mga rescued dogs na bidang-bida sa fourth birthday ng Pawssion Project, isang non-profit organization for rescued animals.

Sa idinaos na “hotdog party” sa Balay Pawssion sa Bacolod, naging special guests sina Jelai Andres at Buboy Villar, na parehong dog lovers.jelai andres buboy villar dog lovers

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

(In the photo: Jelai Andres at Buboy Villar nakiisa sa hotdog party sa Bacolod)

At ang highlight ng pagdiriwang: piñata o pabitin ng hotdogs.

Nag-unahan ang mga aso habang tumatalon para makagat ang mga nakasabit na hotdogs.

Mabuti na lang at walang nag-away.

Ang kanilang mga photos ay ipinost sa Facebook page ng Pawssion Project noong October 18, 2022.

jelai andres dog party

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

dog party

Nakunan din sa mga photos ang masayang pakikipaglaro nina Jelai at Buboy sa mga inabandonang aso.

Sa Facebook post, binanggit pa ng admin na nag-donate ng talent fee si Jelai para sa pambili ng mga necessities, gaya ng pagkain.

Madalas itampok sa vlogs ni Jelai, isang content creator, ang kanyang pagiging dog lover.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagi ng kanyang advocacy ang pagpunta sa mga shelters, pagpapakain at pagdo-donate ng dog and cat food, at pakikipagkaibigan sa mga asong residents ng shelters.

ADVOCACY OF PAWSSION PROJECT

Isa ang Pawssion Project sa mga aktibong animal rescuer at animal rights organization na pinamumunuan ni Malou Perez.

Sa kanilang shelter sa Bacolod, mayroon na silang higit 200 na aso at mga pusa. Meron din silang shelter sa Bulacan.

Layunin ng PAWSsion Project na makahanap ng mga mag-a-adopt sa mga na-rescue na aso at pusa, para eventually ay wala nang maiwang homeless o pagala-gala sa lansangan.

Para sa fourth anniversary nito, isinusulong ng Pawssion Project ang campaign na #ChangeforChange #Pawssion4pagasa Challenge, kung saan puwedeng mag-join at mag-donate ang mga animal lovers. Narito ang link sa official Facebook page.

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Manufacturer Warns Pacemaker Recipients about EV Charging Stations, Electric Appliances and Fences, etc.
Next post One jab to stop you getting flu and the other to stop you getting the other flu