
Jason Mejia hinangad maging topnotcher; nag-Top 3 sa civil engineer licensure exam
Patunay si Jason Salvador Mejia na walang pangarap ang hindi kayang makamtan.
Simula noong nag-review si Jason, talagang itinatak niya sa kanyang isip na magiging topnotcher siya sa May 2022 Civil Engineer Licensure Examination.
Nangyari ang gusto niyang mangyari: Top 3 siya, at may rating na 93.25 percent.
Ayon kay Jason sa kanyang Facebook post noong May 14, 2022, “Para sa pamilya ko itong tagumpay ko.
“Alam kong hindi niyo ako pini-pressure na dapat ganito, na mag-top ako sa exam, pero still hinangad ko at nagpursige ako sa aking pagre-review.
“Dahil gusto kong mabago ang estado natin sa buhay.”
Nagtapos si Jason sa Pangasinan State University-Urdaneta ng Bachelor of Science in Civil Engineering.
Nagpapasalamat din siya sa Diyos sa sobrang blessing na ipinagkaloob sa kanya.
“Ang ipinag-pray ko lang lagi ay ang makasabit man lang ako sa dulo ng top list, pero more than that ang ipinagkaloob Niya sa akin.”

PASSION NIYA ANG ENGINEERING
Sa panayam kay Jason na nalathala noong June 22 sa Technoscope Publications, ang official publication ng PSU Urdaneta , sinabi niyang bata pa lang siya ay interesado na siya sa math at science.
Aniya, “As time goes by, I found out that I have a passion for the engineering disciplines specifically Structural Engineering and Construction Engineering.”
Nabanggit din ni Jason na maging ang iba niyang passion ay may kaugnayan pa rin sa engineering, “I took a Vocational Drafting Course in high school.”
Aminado naman siyang pagsapit niya sa kolehiyo ay naramdaman niyang mahirap talaga ang kurso.
Kaya raw pala may mga engineering students na nagsasabing, “Tres lang sapat na, at pasadong grades ay masaya ka na.”
Pero hinarap niya ang mga hamon ng kanyang kinuhang kurso at pinanatili ang kanyang magagandang grades.
May mga subjects, gaya ng engineering drawing, na nangangailangan ng mahabang oras kaya mas naging smart siya kung saan dapat mag-focus at maglaan ng oras.
TIWALANG KASAMA SIYA SA TOP 10
Pinaghandaan din ni Jason nang todo ang board exam.
Payo niya sa mga nagre-review, “Study efficiently and effectively and have enough sleep. Find out what is the effective routine that you will do for the whole preparation.
“You should be consistent on it. List down your weakness topics and have a time to study it all.”
Hindi naman siya makatulog noong May 11, ang araw na lalabas na ang resulta ng kanilang exam.
Aniya, bandang 2:30 a.m. ay nakatanggap siya ng napakaraming messages mula sa kanyang mga kaibigan at kaklase.
“Sabi nila, ‘Congrats, Top 3 ka!’”
Pagbabahagi ni Jason, batay sa kanyang performance ay tiwala siyang papasok siya sa Top 10. Kaya laking tuwa niya nang mag-Top 3 siya.
“My family’s reaction was so happy, and, at the same time, I saw the tears of joy in their eyes.
“My mom said, ‘Congrats, anak, nagbunga na rin ang sakripisyo mo.’
“We all cried at that moment.”
Nakikita ni Jason ang sarili five years from now bilang isang professional civil engineer na nakagawa na ng malaking impact sa construction industry.
Plano rin niyang kumuha ng master’s degree in Civil Engineering major in Structural Engineering.
#lifestyle-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}
a {
color : #D60248;
}
News Philippines today at https://philtoday.info/