Jarren Dahan, “buhay na buhay” ang paintings; hangad niya ay “maka-graduate”

Marami ang napabilib sa mga obra ng binatang si Jarren Dahan ng North Cotabato dahil sa kanyang buhay na buhay na paintings.

Ang tawag sa klase ng kanyang art ay hyperrealism, kung saan nagmumukhang high-resolution photographs ang mga obra.

Napabilib ni Jarren ang netizens matapos niyang ipinta ang kanyang ama at ina, na parehong magsasaka, bilang pagbibigay-pugay sa mga sakripisyo nila.

jarren dahan hyperrealism

Si Jarren ay isang Fine Arts student sa Unibersidad ng Mindanao, pero natigil siya dahil sa kakulangan sa pera.

“Nag-aral po ako ng Fine Arts. Pagdating po ng third year, nag-stop po ako kasi po sa financial po,” ani Jarren.

Na-interview siya ng hosts na sina Winnie Cordero at May Ceniza para sa HaPinay ng ABS-CBN TeleRadyo noong October 20, 2022.

Nahinto man ang pag-aaral, hindi nito napigilan si Jarren na ipagpatuloy na mahinang ang kanyang talento sa pagpipinta.

“Nagpa-practice-practice ako hanggang sa natutunan ko po, hanggang hinasa ko po yung sarili ko,” sabi niya.

Sa sobrang mangha nga ni Winnie, nasambit niyang daig pa ni Jarren ang ibang Fine Arts graduates sa kanyang talento.

Sabi naman ni May, “buhay na buhay” ang pinta ni Jarren.

jarren dahan hyperrealism

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

HINASA ANG TALENTO KAHIT HINDI GRADUATE

Naibahagi ni Jarren na ang painting ng kanyang ina ay naibenta niya sa halagang PHP70,000.

Inaabot daw si Jarren ng 20 days hanggang isang buwan sa pagpipinta ng isang hyperrealistic painting.

“Medyo matagal po, kasi matagal yung proseso sa hyperrealistic na art style.”

Halos 3/4 ng pinto ang sukat ng canvas na gamit ni Jarren at ordinaryong oil paint ang kanyang binibili sa pagpipinta.

Umaabot ng PHP5,000 ang mga materyales para sa isang painting.

Paano nga ba ang proseso ng hyperrealism?

Hindi gaya ng ordinary painting, karaniwang inuumpisahan ito sa pamamagitan ng photo shoot ng subject.

Ang photographic images ang gagamitin para mas maging detalyado ang pagpipinta.

Ani Jarren, inuuna niya ang pag-uukit ng mga mata.

“Dapat kuhang-kuha ko yung mata. Dapat po buhay na buhay yung mata. Hanggang sa yun nga, papunta na sa kilay, sa bibig, sa ilong pati sa mga pores, sa mga skin po, wrinkles. Kaya matagal po siyang gawin.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

jarren dahan hyperrealism

Ang kagandahan daw sa ganitong uri ng painting ay madaling ma-retouch ang isang pagkakamali.

Aminado rin si Jarren na marami ngayon ang kumukuha sa kanya para sa commissioned work.

May mga nakikipag-ugnayan na rin sa kanya para mag-show at magbenta ng kanyang mga artworks sa mga exhibit.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sa kabila nito, hangad ni Jarren na makabalik sa pag-aaral oras na makapag-ipon siya o makakuha ng scholarship.

“Gusto ko pong maka-graduate ng Fine Arts, magkaroon ng diploma,” saad niya.

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post BTC mining difficulties may be a good-thing for mining company
Next post Sweden Ditches Agenda 2030’s Climate Change Scam