Introducing typhoon-proof Cuboid house worth PHP1.8 million

May bagong disenyo ng bahay na hindi basta-basta matitinag ng paghagupit ng mga bagyo.

Tinawag itong Cuboid house ng designer na si Gil Bien.

Ang prototype ay nakatayo sa Malilipot, Albay, at inirerekomenda niya para sa mga lugar, gaya ng Bicol, na madalas tamaan ng bagyo.

Si Gil, isang industrial designer, ay taga-Bicol din at alam niya ang hamon na pinagdadaanan ng kanyang mga kababayan.

Halimbawa, nang manalasa ang Super Typhoon Rolly noong 2020, saksi si Gil sa sinapit ng kanyang lugar.

Kaya pinag-aralan niyang mabuti ang disenyo ng kanyang typhoon-proof house.

“Palaging binabagyo kami pero parang hindi nagbabago yung solusyon, yung porma ng bahay,” ani Gil sa ulat ni Aireen Perol-Jaymalin ng Bicol.PH.

Cuboid house

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Kung susuriin, walang mga kanto ang Cuboid house ni Gil, bagkus pa-round ang mga kanto ng istruktura.

Bukod pa rito, matitibay na materyales—tulad ng fiber glass—ang ginamit sa paggawa ng bahay.

Yun nga lang, may kamahalan ang Cuboid house dahil tinatayang PHP1.8 million pataas ang gagastusin sa pagpapagawa nito.

Pero katwiran ni Gil, long-lasting naman ang resulta ng kanyang house design.

Kuwento niya, gumawa siya noon ng isang matibay na bahay sa budget na PHP500,000, pero nakokompromiso ang disenyo nito.

Sabi ni Gil, “Yun po ang reyalidad. So kung gagawa ka nang matatag na bahay, kailangan i-comply mo yung materyales mo. Wag mong i-compromise.

“In the long run, pipili ka ng materyals na masisira din, papalit-palit ka, yung oras mo, at materyales na nasira, mas makakatipid ka rito [Cuboid]. Mas lesser ang maintenance.”

May dalawang Cuboid designs ang ginawa ni Gil: ang isa ay may sukat na 36 square meters at ang isa ay 48 square meters.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

cuboid interior

cuboid interior

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

(Top Photo: Ang kisame ng Cuboid house. Bottom Photo: Ang interior ng house design)

cuboid interior

Ang kitchen area ng Cuboid house

ANG KONSEPTO NG CUBOID HOUSE SA PAGTAMA NG BAGYO

Pinag-aralan ni Gil ang daloy ng malakas na hangin at kung saan nagsisimula ang pagkasira ng bahay sa tuwing bumabagyo.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Na-found out ko po ang mga nawawawalang una is yung gutter.

“Pag nagsimulang mawala yung gutter, mababakbak na yung yero, ‘tapos susunod na lilipad yung mga downspout, tatama kung saan-saan.”

Sa ipinakitang model ni Gil, makikitang nakasentro lamang sa isang bahagi ng pader ang malakas na hangin sa ordinaryong bahay.

Pero sa Cuboid design, makikita na pag humampas ang malakas na hangin ay kakalat ang pressure nito dahil hahanap ng ibang daluyan ang hangin.

Sabi ni Gil, “Na-aral ko po ang pagtama ng hangin sa curve, hinahanap niya ang lusutan. So hindi masyadong malakas yung stress sa wall.”

cuboid house model

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sa modelong ipinakita ni Gil Bien, makikita na nakasentro lang ang pressure ng malakas na hangin sa ordinaryong bahay (top photo), kumpara sa Cuboid (bottom photo) na kumakalat ang hangin.

Kinatigan ito ni Engr. Joshua Agar, wind engineer sa University of the Philippines assistant professor.

“Dahil ginawa niyang pa-curve, somehow nale-lessen yung magnitude ng mga vortices.

“Therefore, nagkaroon ng reduction ng aero-dynamic forces.”

Sang-ayon si Agar na magandang inisyatibo ang design ni Gil.

“Ang next step na lang is to make it accessible to the public. So ang goal naman po dito, it has to be economically viable.”

Read:

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Reasons making crypto investments going down regularly
Next post Dutchnews.nl (Dutchspinelessliars.nl): Latest on David Icke (as Dutch authorities are rushed to hospital with twisted knickers)