Happy ending for once-comatose Viktoria Cupay and her Prince Charming Nick Baldo

“Happy ending” ang love story nina Viktoria Cupay at Nicholas “Nick” Baldo na naging viral noong 2019.

Nito lamang August 19, 2022, nagpakasal ang dalawa sa U.S., kung saan sila naka-base.

Bakas sa mga larawan at video ang kaligayahan nina Viktoria at Nick, na animo’y hindi dumaan sa matinding pagsubok ang kanilang relationship.

Si Viktoria ay ang Pilipinang na-comatose sa loob ng isang buwan at ilang beses naisahan ang kamatayan dahil makailang ulit siyang ni-revive.

Read:

Tinamaan si Viktoria ng lupus at Stevens-Johnson Syndrome, dalawang life-threatening diseases.

Si Nick naman ay ang kanyang American partner na hindi iniwan si Viktoria kahit na naratay siya sa ICU.

Inalagaan ni Nick si Viktoria karelyebo noon ang ina ng huli.

Nang magising mula sa coma si Viktoria, ang unang ginawa ni Nick ay mag-propose sa kanya.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Nakunan ng video ang actual proposal ni Nick at makikita si Viktoria na nakaratay sa hospital bed at halos wala pang lakas.

Kaya may mga netizens na tinawag na “Prince Charming” si Nick dahil ang kuwento nila ay inihambing sa fairy tales, gaya ng Snow White at Sleeping Beauty.

THE WEDDING

Naging inspirasyon ang pag-iibigan ng dalawa, at makikita ang paghanga ng mga netizens sa social media.

Sa isang TikTok video, ipinost ni Viktoria ang paglalakad nila ni Nick palabas ng simbahan matapos ang kasal.

Makikita kung gaano kasaya ang newlyweds. Kasama rin ang short video clip ng proposal ni Nick kay Viktoria matapos niyang magising sa coma noong 2019.

Caption ni Viktoria rito: “It’s amazing how much we have changed since our proposal day exactly three years ago.

“Some stories have a happy ending. Through sickness and in health with you.”

viktoria cupay, pinay comatose

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

At press time, mayroon nang 18.7 million views ang TikTok video na ito ni Victoria.

Sinundan pa niya ito ng isang video na kissing photo nila ni Nick matapos ang wedding.

Meron na itong 2.2 million views.

Ginagamit ni Viktoria ang kanyang TikTok account para ikuwento ang kanyang survival story.

Ginawa niya itong medium para sa advocacy na lupus awareness at matulungan ang iba na may parehong pinagdadaanan.

Sa ngayon ay patuloy ang medikasyon ni Viktoria para sa lubus na isang lifetime medical condition.

THE VIRAL LOVE STORY

Ang kuwento ni Viktoria ay naitampok sa ilang local public affairs shows.

Naikuwento rin ni Nick at ina ni Viktoria na hindi nila sinukuan ang pag-aalaga kay Viktoria kahit isang buwan ito sa ICU.

Kuwento ni Nick sa isang previous interview: “She was there going through so much pain and suffering. I couldn’t leave and go anywhere. I just had to be in that room with her.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Pinatunayan ni Nick kung gaano niya kamahal si Viktoria na nanatili sa tabi nito sa panahong kailangan siya nito.

Walang sinayang na sandali si Nick nang magising si Viktoria. Nag-propose na ito kahit mahinang-mahina pa si Viktoria.

Gayunpaman, hindi rin nahirapang magdesisyon si Viktoria sa proposal.

Sabi ni Viktoria sa isang previous interview: “[His] values and his standards and morals are the same as mine.

“I said ‘yes’ because I know that I’m with a good man, and even if I was in the hospital bed, I have been thinking about it the months before… he’s the one.”

#lifestyle-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

a {
color : #D60248;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Previous post Fascist Andrews (the real virus) says un-fake-vaccinated will continue to be excluded from society and to keep their fake vaccinated status Victorians will have to take a third ‘booster’. It’s the same agenda playing out in Israel and across the world because it’s globally coordinated and Andrews is just another fascist gofer for the demonic Cult doing what he’s told like a good little boy (see Johnson, Biden, Trudeau, Macron, etc, etc)
Next post Telecoms Face Major Global Resistance To 5G Rollout