
Guess his age! Singaporean Chuando Tan is “the man who defied ageing”
Tila “forever young” si Chuando Tan dahil sa edad na 56 ay mukha pa rin siyang nasa kanyang 30s.
Noong 2017 ay nag-viral ang Singaporean artistic director at model para sa kanyang youthful looks at matipunong pangangatawan na talaga namang tinilian at kinahumalingan ng mga kababaihan.
Kita naman sa kanyang Instagram account na nananatiling youthful looking si Chuando.
Kuwento ni Chuando, hanggang ngayon ay marami pa rin ang nagtatanong kung paano niya nagagawang magmukhang bata kahit nasa mid-50s na siya.
Binansagan siyang “the man who defied ageing” at “real-life Dorian Gray,” base sa nobela ni Oscar Wilde ukol sa lalaking hindi tumatanda.
“Literally, it’s like I am the Dorian Gray in real life, but it’s a title that no one can keep, right?” paliwanag ni Chuando sa interview ng Channel News Asia (CNA) noong January 5, 2023.
Binalikan din ni Chuando ang panahon noong una siyang nag-viral at pinutakti ng mga tagahanga at media.
“I still can remember that fateful morning when I woke up to a rude shock.
“Tons of messages from stranger[s] all around the world, even TV station[s], even like notable news website[s], they were all asking all sort of things.”
Pero imbes na matuwa, inamin ni Chuando na pakiramdam niya ay nakagawa siya ng krimen sa mundo dahil sa atensiyong nakuha niya.
“I was really scared. I stayed at home for a good two weeks. I didn’t get out of the house.”
SECRET TO YOUTH
Sabi ni Chuando, madalas na tanong sa kanya ay kung ano ang sikreto niya para manatiling magmukhang bata.
“Eventually, it gets to me. I do feel the pressure.
“Maybe they all want a shortcut, a secret to how to keep their youth, right?
“Deep inside I know I’m not that young,” sabi ng photographer.
Alam daw niya sa sarili niya na tumatanda siya.
“I could be a person who look[s] like a healthy version of someone of my age.”
Ani Chuando, siya ay regular na nagwo-work out, ang meryenda niya ay protein shakes, at kumakain siya ng oatmeal na may kasamang itlog, honey, at avocado.
At ang pinakamahalaga ay ang pagkakaroon ng positive mindset.
Sabi niya, “Basically, what you think and how you feel, that emotion is already reflected on your face.
“Every time we hear people say, ‘Oh, you look good today, you look very happy.’
“So that statement alone, right? Already explains much about this.”
Giit niya, dahilan na iyon para magkaroon ng positibong pananaw sa buhay.
NOOD KA MUNA!
“I think through a period of time, that feeling will eventually become you.”
Inamin ni Chuando na gusto rin niyang huwag tumanda, “but this is something that you can’t [avoid] because it is inevitable.”
News Philippines today at https://philtoday.info/