Former gasoline boy Jonell Calisin, now an architecture graduate after 9 years in college

Pinatunayan ni Jonell Calisin ng Bocaue, Bulacan, na walang limitasyon ang pangarap.

Nito lamang July 15, 2022, matapos ang halos siyam na taon, sa edad na 31, ay nakamit niya ang matagal nang inaasam na Bachelor’s Degree in Architecture mula sa Bulacan State University.

Ginanap ang kanilang graduation ceremony sa Philippine Arena, Ciudad de Victoria, Santa Maria, Bulacan.

Pang-lima sa anim na magkakapatid si Jonell.

Dala ng sobrang kahirapan at iba pang mga pagsubok, inabot ng walo at kalahating taon bago niya natapos ang dapat sana ay five-year course lamang.

Nagtatrabaho bilang welder sa gawaan ng tent ang kanyang amang si Mang Arnelo at mananahi ang kanyang inang si Aling Corazon.

MGA HAMON SA TRABAHO AT SA KOLEHIYO

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Lunes, July 18, inamin ni Jonell na hindi lamang ang pagsasabay ng trabaho at pag-aaral ang kanyang naging problema.

“Noong una ay pinagsabay ko ang pag-aaral ko at pagtatrabaho bilang gasoline boy.”

Continue reading below ↓

Namasukan din siya bilang merchandiser at factory worker sa iba’t ibang kumpanya upang makaipon nang sapat at makabalik sa unibersidad.

Jonell Calisin

Also read: Pump attendant sa gasoline station, nagtapos ng kolehiyo

Dagdag niya, “Napilitan akong huminto noong 2nd year na ako dahil nawalan ako ng trabaho.

“Nung nakapag-aral naman ulit ako, nakaranas ako ng bagsak sa iba’t ibang subjects.

Continue reading below ↓

“Gusto ko nang sumuko noon, pero para bang hinihila ako palagi ng mga paa ko para mag-aral sa kursong gustong-gusto ko—ang architecture.”

Pero sa kabila ng mga pinagdaanan ay hindi sumuko si Jonell.

At nitong July 17, nakapukaw ng atensiyon sa Facebook ang post niya tungkol sa iba pa niyang pinagdaanan para matupad ang kanyang pangarap.

Saad niya sa post (published as is), “Hindi kami mayaman, hindi ako matalino, hindi ako proud na umabot ako ng eight and a half years sa college, pero ang tanging maipagmamalaki ko lang ay yung hindi ako sumuko sa hamon ng buhay.

“Nahihiya rin ako kasi ako na yung pinakamatanda sa mga kaklase ko pero hindi ko nalang pinansin. Nakaka-intimidate din minsan na mas matanda pa ako sa prof o minsan ka-batch ko pa sila.”

Papunta na sa PANGARAP

Naniniwala si Jonell na matapos niyang maka-graduate ay unti-unti na niyang matutupad ang iba pa niyang pangarap, lalo na ang para sa kanyang pamilya.

Continue reading below ↓

“Lagi ko lang tinitignan yung bahay namin pag gusto ko nang sumuko.

“Lagi kong iniisip na gusto kong makaranas nang may maayos na bahay, yung hindi kayo nababasa pag umuulan at hindi sobrang init pag tag-araw.”

Ito ang masasabi ni Jonell sa mga tulad niyang sinusubok ng panahon, “Hindi madali pero hindi imposible.”

jonell calisin

Continue reading below ↓

“Hindi sapat na sabihing kaya mo iyan. Tuloy mo lang yung pangarap mo kahit pagod na pagod ka na, kahit hirap na hirap ka na kasi worth it lahat iyan.

“Puwedeng magpahinga pero huwag susuko.”

Higit sa lahat, “Huwag mong hayaan diktahan ka ng ibang tao kung ano ang dapat maging pangarap mo.”

#lifestyle-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

a {
color : #D60248;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Previous post Luis Manzano admits thoughts about quitting showbiz: “People will never understand…”
Next post Court grants TRO vs Victor Consunji after attempting to kick out Maggie Wilson from Taguig home