Filipino GM Eugene Torre, opisyal nang iniluklok sa World Chess Hall of Fame

Pormal nang iniluklok ang kauna-unahang grandmaster sa Asia na si Eugene Torre sa World Chess Hall of Fame (WCHOF).

Ginanap ito noong October 4, 2022 sa St. Louis Aquarium sa Union Station, Missouri, USA.

Ang 70-year-old Filipino Grandmaster o GM ay isa sa inductees noong 2021.

Kasabay niya sina Judit Polgar ng Hungary at Poland-born Argentine na si Miguel Najdorf, ngunit ngayon lang isinagawa ang pagkilala kay Torre.

Siya rin ang kauna-unahang male Asian na iniluklok sa WCHOF.

Lahad ni Torre, “Thankful and honored to be an inspiration not just to Filipinos and Asians, but also to the whole world.”

Isang pioneer sa Philippine chess, naging first Asian grandmaster si Torre noong 1974 sa edad na 22 nang masungkit niya ang silver medal sa 21st Chess Olympiad na ginanap sa Nice, France.

Also read: Wesley So nasungkit ang ikalawang Grand Chess Tour title

Siya rin ang kauna-unahang tumalo sa isang reigning world champion sa katauhan ni Anatoly Karpov noong 1976.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ilan pa sa naging tagumpay ni Torre sa larangan ng chess ay ang silver medal finish sa 2010 Asian Games sa Guangzhou, China.

Bronze medalist naman siya sa Chess Olympiad noong 1980, 1986, at 2016.

Noong 2016, binigyan din siya ng pagkilala ng Philippine Sports Hall of Fame.

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Smart motorways: Police find drivers stranded in live lanes on ‘daily basis’
Next post Renewable Energy Fails Sweden, Braces For Winter Of Power Cuts