
Estudyanteng si Meckia Mari Villanueva, nag-viral dahil hakot awards sa graduation
Hindi lamang isa, hindi lamang dalawa, kundi animnapung pagkilala ang natanggap ni Meckia Mari Villanueva ng Bocaue, Bulacan sa kanyang pagtatapos sa senior high school.
Batch Valedictorian si Meckia sa Sto. Niño Academy, kung saan hinakot niya ang iba’t ibang parangal sa kanilang graduation ceremony noong May 20, 2022.
Kasama sa kanyang awards ang 24 medals at 30 ribbons.
Pinost ni Meckia sa TikTok ang tagpo sa kanyang graduation kung saan punung-puno ng medalya ang kanyang leeg at halos mapuno rin ng ribbons ang kanyang graduation gown.
Agad itong nag-viral, and as of July 14, 2022, mayroon na itong 6.2 million views.
Maraming mga netizens ang bumilib, napa-“sana all” at “how to be you” kay Meckia.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Meckia kahapon, July 13, sa pamamagitan ng Facebook messenger ay sinabi niyang ang pamilya ang kanyang inspirasyon sa lahat ng bagay.
“Ever since, family ko po talaga yung main inspiration ko not just with my awards and academic achievements, but in everything that I do.”

Si Meckia ang kaisa-isang estudyante sa kanilang paaralan na nag-graduate “With Highest Honors” kaya’t ito raw ang pinaka-espesyal na award na kanyang natanggap.
Saad ni Meckia, “Being recognized po as the only student “With Highest Honors” po yung pinaka-special sa lahat.
“As batch valedictorian po kasi, I am given wider opportunities especially when it comes to scholarships.
“Malaking tulong po para makabawas po ako sa gastusin ng parents ko. Hindi lang po kasi siya para sa akin, para rin po talaga sa pamilya ko.”
Para rin kay Meckia, hindi naman daw madali ang kanyang mga pinagdaanan upang makamit ang ganito karaming pagkilala.
Ang susi sa sa kanyang tagumpay bilang estudyante ay “effective time management po talaga.”
Dugtong niya, “Malaking tulong po kasi siya sa paggawa ng study routine in which I can acquire greater productivity.
“Bukod po rito, active participation po is also the key in attaining a more extensive academic involvement.”
Paglalahad pa ni Meckia, simula pagkabata ay sanay siyang humarap sa mga pagsubok at hamon sa kanya, at sa tingin niya ang mga ito ang nagpatatag sa kanya.
“Simula po bata, there were lots of expectations that I must meet until I found myself enjoying the process and the pressure.
“There and then, I did and achieved things as per my desire and not because of external factors that are dictating me of whom I should be.
Sa huli ay mayroong payo si Meckia sa kapwa niya mga estudyante na nahihirapan sa kanilang pag-aaral.
“Take things one at a time, in balance and moderation.
“Isa po sa mga tumatak na payo po sa akin ni mommy is, ‘Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa,’ and this has been my guidance all throughout my journey.
“I highly encourage students na pagsikapan po lahat ng gusto nilang marating still with His enlightenment.
“Hindi man madali, pero kung gugustuhin maraming magiging paraan hanggang sa kayanin.”
Pangarap ni Meckia na maging pediatrician kaya naman ngayon ay naka-enrol na siya sa University of Sto. Tomas kung saan kinuha niya ang pre-med course na Bachelor of Science in Biology major in Medical Biology.
Bukod dito ay plano rin i-pursue ni Meckia ang broadcasting at journalism.
#lifestyle-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}
a {
color : #D60248;
}
News Philippines today at https://philtoday.info/