Epektibong self review ni Renniel Monteagudo, Top 3 sa board exam

Isa si Renniel L. Monteagudo ng Mogpog, Marinduque, sa mga nakapasa sa October 2022 Licensure Examination for Professional Teacher, Secondary Level.

Hindi lang siya basta pasado, Top 3 pa siya, at may rating na 93.80 percent.

Produkto si Renniel ng Santa Cruz Institute-Marinduque.

Nagtapos siya ng Bachelor in Secondary Education, Major in Filipino Program.

Art card congratulating Renniel Monteagudo

Sa kanyang Facebook post noong December 18, 2022, ibinahagi ni Renniel na 2019 pa siya nag-graduate.

Aniya, “Marami ang nagtataka kung bakit hindi ako nagti-take ng exam.

“Pero isa lang ang alam ko, hindi ako prepared financially at emotionally.”

Naghintay umano si Renniel ng perfect timing, pero hindi niya ito nakuha sa madaling paraan.

“I sacrificed my job and social life. I was so desperate kaya kinailangan kong mag-isolate at mag-deactivate ng social media accounts.

“Tanging si Darna, TV Patrol, at Idol Philippines lang ang bumabasag ng focus ko.”

Hindi rin daw tsamba ang pagiging topnotcher niya dahil talagang pinaghandaan niya ang board exam.

“Nagpagod ako, dinisiplina ko ang sarili ko, at nag-commit ako na pang-topnotcher ang efforts.

“Sabi ko sarili ko, either makapasa o hindi, I’ll make sure na wala akong guilt na mararamdaman because I have done my part.”

DISKARTE KANYANG SELF-REVIEW

Hindi nag-enroll sa review center si Renniel.

Ang kanyang main reason: Trabaho.

“May previous job ako pero hindi ko kayang magbitaw ng para sa review kaya no choice ako kundi dumiskarte kung paano ko magagawang epektibo ang pagre-review ko.”

Narito ang kanyang naging paraan para maitawid ang kanyang self-review.

REVIEW MATERIALS

Inaalam niya kung ano ang kanyang magiging focus. At dalawang libro mula sa Carl Balita Review Center ang naging very useful sa kanya.

Sabi ni Renniel, “Yellow book 2016 at 2021, Filipino majorship.

“Ang total na naging gastos ko lang sa reviewers ko ay PHP1,100.”

Bukod dito ay nanghiram din siya.

REVIEW TECHNIQUES

Hindi siya yung tipo na nagdikit ng Manila paper sa dingding. Mas effective sa kanya ang note book.

“I tried once, pero yun ay pinagdikit na pages ng iisang notebook na binili ko para sa pagre-review.

“Yung isang notebook na binili ko, ginagamit ko lang sa pagsagot ng mga makikita kong questionnaires.”

Hindi rin siya nagsayang ng oras sa alam niyang makakatagal o makaka-pull down sa motivation level niya.

Ang kuwento ng binata, “…nung minsang nagsagot ako nang hanggang 150, tapos 73 lang ang scores ko, hindi na ako nagsagot ulit.”

Marahil ay visual ang kanyang learning style kaya effective sa kanya ang manood ng videos.

CONTINUE READING BELOW ↓

NOOD KA MUNA!

Dugtong niya, “Nanonood rin ako ng free live review nila online.

“Halos naubos ko rin ang mga videos sa YouTube na puwedeng panoorin for free reviews.”

Renniel Monteagudo holding books

MOTIVATION NI RENNIEL

Dahil sa ilang taon ang kanyang pinalipas bago nag-take ng exam, malinaw sa isip niyang dapat magkaroon na ng pagbabago sa kanyang buhay.

Umabot kasi siya sa puntong ang pakiramdam niya ay stagnant na ang lahat.

“Parang gumigising ka na lang para matulog lang ulit. Parang wala nang sense.”

Naitanong umano niya sa sarili kung ganoon na lang ba talaga siya na wala pang napapatunayan, at wala pa ring nararating, lalo pa at mula siya sa isang remote area na hindi sapat ang kita ng pamilya.

“Wala pa rin akong naitutulong upang mabago ang takbo ng buhay namin.

“Kaya sabi ko, itong pag-take ko ng exam, I’ll make sure na maibabalik nito yung Renniel nung time na nasa college pa siya.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung punong puno ng goals, laban na laban, laging may dahilan ang paggising at bawat araw ay kailangan produktibo.”

Isa kasi siyang achiever noong college days niya.

Graduation photo of Renniel Monteagudo

Dahil sa naging preparasyon niya, malaki ang kumpiyansa ng binata na magiging topnotcher siya sa board exam.

“Dumating ang panahon kung kailan pakiramdam ko naka-align sa akin ang mga tala. Parang lahat nang nangyayari ay umaayon at handang ibigay sa akin ang pagkakataon.

“Alam ko na kung magta-top ako, hindi lang ako ang magbe-benefit. Alam kong somehow, makaka-inspire ako, makatutulong sa alma mater ko; sa Argao NHS at SCI.

“Makapagbabalik din ako ng pasasalamat kay Congressman Lord Allan Velasco dahil sa scholarship niya sa buong SCIans kung kaya’t maraming nakapagtatapos ng kolehiyo.

“Sa Province of Marinduque, kung nagawa kong maging proud sila sa achievement ko.”

Ang payo niya sa mga estudyante, “Kung anuman ang piliin mong career, i-commit mo ang sarili mo roon.”

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Why You Will Marry The Wrong Person
Next post Bitcoin will become more well-known.