Dominique Frani: nagka-singko, na-reject sa trabaho; naging Top 4 sa architecture exam

Matagal ang naging journey ni Dominique Cellona Frani, 24, bago siya naging topnotcher sa architecture licensure examination nitong June 2022.

Top 4 si Dominique, at nakakuha ng rating na 81.70 percent.

“It has been 8 years in the making,” post niya sa Facebook noong June 23, 2022.

Bago kasi siya naka-graduate mula sa Adamson University noong 2019, limang taon ang ginugol ni Dominique sa college.

Dagdag pa rito ang two and a half years para sa work experience at five months na na “puno ng anxiety sa pag-review, puyat, pagod, luha at doubt.”

Unexpected para sa kanya na naging topnotcher sa licensure exam.

topnotchers

Continue reading below ↓

FAILING GRADE IN COLLEGE

Noong July 12, 2022, inilahad ni Dominique sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang success journey.

“Unang dalawang taon, naranasan kong magkaroon ng gradong bagsak (5.0),” kuwento ni Dominique na naging estudyante ng Bachelor of Science in Architecture sa Adamson University noong 2014.

Mahirap daw itong tanggapin dahil “unang beses ko itong naranasan simula ng nag-aral ako.”

Pero dahil masigasig siya, “yung mga pagsubok na nalagpasan ko pa din at napagtagumpayan.”

Mas naging smooth sailing nung third at fourth years niya sa college.

“Nahanap ko yung balanse ng pag-aaral at self-care—physical at mental—kasi maraming naging anxiety, worries.”

Na-realize rin ni Dominique na siya lang ang makakatulong sa kanyang sarili para hindi siya kainin ng kanyang mga takot.

“Pero ang pinakanaging mahirap sa limang taon ay yung huling taon ko sa pag-aaral,” sabi niya.

Umatake raw muli ang kanyang anxiety at napuno siya ng self-doubt.

“Yung anxiety mo na, ‘Matatapos mo ba ito?’ ‘Magiging successful ba yung bawat gagawin mo?’”

Continue reading below ↓

Nagtapos siya sa college noong May 2019.

Natutunan ni Dominique sa kanyang college life na kailangang maniwala sa sariling kakayahan.

ROLLER-COASTER RIDE

Panibagong hamon ang sinuong ni Dominique sa sumunod sa tatlong taon, na inilarawan niya bilang isang “roller coaster.”

Lahad niya, “Naranasan ko na naman ang failure. Rejection sa pag-apply naman sa trabaho.”

May pagkakataon daw na sa isang araw, iniikot niya ang Makati at Ortigas, umaabot sa walong kumpanya ang pinapasahan niya ng resume, “kahit wala silang opening kasi aasa ka na lang din na mapansin nila yung resume mo.”

Dugtong niya, “Kahit nagpasa ka na [nang] personal, susubukan mo pa din magpasa sa e-mail para mapansin pa rin yung resume mo.”

Lahat daw ng nakita niyang job openings sa Facebook at Jobstreet, nag-submit siya ng resume, kasi, requirement ang “two-year diversified experience sa architecture, para mag-qualify ka sa pagkuha ng licensure exam.”

Nang may dumating na job offer, sinunggaban ito ni Dominique na “wala nang isip-isip na tinanggap ko.”

Continue reading below ↓

Pero makalipas lamang ang isang taon, natanggal siya dahil “for close” na ang company.

dominique frani

Tumulong na lamang siya sa inang pinasok ang online selling para magkaroon sila ng pagkakakitaan.

Sa sumunod na tatlong buwan ay naranasan muli ni Dominique ang mag-apply at ma-reject sa mga ina-apply-an na trabaho. Panahon na ng pandemya noon.

Continue reading below ↓

Pinasok niya ang pagbi-bake at pagtitinda online, pero sabay-sabay nagsulputan ang online businesses noon.

May nakuhang trabaho si Dominique noong February 2022, pero kailangan niyang pagsabayin ito at ang pagre-review para sa June 2022 architecture licensure exam.

Hindi niya puwedeng iwan ang trabaho dahil kailangan niyang tumulong sa kanyang pamilya na walang steady income.

Inilihim ni Dominique sa ibang miyembro ng pamilya ang kanyang pagre-review. Ang nakakaalam lang ay ang kanyang ina, kuya, at lolo.

Ayaw niya kasing mapuna kung sakaling bumagsak siya.

“Nalaman na lang ng daddy ko at ibang family member na pumasa na ako nung araw na lumabas yung result,” sabi niya.

“Naging bonus na lang din siguro na mapasama ako sa Top 10.”

Pag-amin ni Dominique, “Hindi naging perpekto ang journey ko sa nakalipas na walong taon. Kada yugto ay may sakit, worries, anxiety, self-doubt.

“Pero hindi ka dapat panghinaan at pangunahan ng pag-aalala. Basta kaya mong magawa ay mapagtatagumpayan mo.”

Continue reading below ↓

Tinapos niya ang kanyang kuwento gamit ang isang quote: “My own timing was never perfect but I think God definitely gave me his own perfect timing in my journey.”

Read also:

#lifestyle-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

a {
color : #D60248;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Previous post Raquel Pempengco longs for Jake Zyrus’s emotional support after losing another brother
Next post PBA player Paul Desiderio denies abuse allegations of ex-partner Agatha Uvero