Delivery rider and hari ng raket Ax Valerio graduates magna cum laude

Sulit ang dugo’t pawis ni Francis Jan Ax L. Valerio, 23, na nagtapos bilang magna cum laude sa kursong Bachelor of Arts in Communication sa Adamson University.

Simula high school, kung anu-anong raket ang pinasok ni Ax matustusan lang ang pag-aaral.

Naging delivery rider at virtual assistant siya para suportahan ang kanyang edukasyon sa college.

Dati rin siyang naging service crew sa fast-food, tagagawa ng assignments ng mga kaklase magkaroon lang ng extra income.

Sa katunayan, nag-viral si Ax noong 2020 nang ma-post ang kanyang mga larawan na naka-uniporme ng online delivery service at nakaangkas sa kanyang motor.

Nakaparada si Ax sa tabi ng kalsada, nagsusulat sa kanyang notebook, at nakikinig sa online class.

Nagbunga ang lahat ng pagpupursige niya dahil bukod sa graduate na siya ay magna cum laude pa.

delivery rider

Continue reading below ↓

Ang nag-viral na photo ni Ax Valerio noong 2020

RAKET DITO, RAKET DOON

Post ni Ax sa Facebook nitong July 13, 2022, “High school ako noong mamulat ako sa hirap ng buhay.

“Nagtinda ako noon ng suman at graham balls sa school.

“Gumawa din ako ng mga assignments at activities ng mga kaklase ko kapalit ng konting halaga para lang may pang-baon ako sa eskwela.

“Hanggang sa naging service crew, call center agent, delivery rider, VA [virtual assistant], at iba’t-ibang klase ng raket ang pinasok ko para lang kumita ng pera.”

Pati raw gabi ay ginawang umaga ni Ax para makapagtrabaho.

Aniya, “Magdeliver umaraw man o umulan, mapuyat sa gabi para pumasok sa isa pang trabaho, sabay na din dun ‘yung paggawa ng mga school works.”

Hindi rin daw mapigilan ni Ax ang maiyak nang malamang magna cum laude siya.

Dugtong niya sa kanyang post, “Sulit ang pagbibilad sa ilalim ng tirik na araw, sulit lahat ng luha kasabay ng pagbyahe sa gitna ng malalakas na ulan, sulit lahat ng puyat maipasa lang ang mga kailangan ipasa sa eskwela.”

Continue reading below ↓

ax  valerio

WHAT’S NEXT FOR AX

Nakapalitan ng mensahe si Ax ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ngayong Biyernes, July 15.

Tinanong namin, ano ba ang trabaho ng isang virtual assistant?

Sagot niya: “I get clients from U.S. ‘tapos pag may mga kailangan sila sa business nila, like in general, ako po yung gumagawa.”

Continue reading below ↓

Ngayong nag-graduate na siya, ano ang susunod na plano ni Ax?

“I will pursue my dreams na po and continue to do the side hustles.”

Itutuloy pa rin daw niya ang pagiging delivery rider, “Minsan magde-deliver pa din pero focus na sa career.”

Push pa rin kasi sabi nga ni Ax, “Mas maraming source of income, mas maganda.”

#lifestyle-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

a {
color : #D60248;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Previous post Willie Revillame on surviving career highs and lows: “Maging totoo ka.”
Next post Three Miss Philippines Earth 2022 candidates “heartbroken” over sudden disqualification due to height