Cesar Montano pens short but sweet birthday message for daughter Sam Cruz

Masayang nairaos ang debut celebration ni Sam Cruz, anak ng ex-couple na sina Cesar Montano at Sunshine Cruz.

Noong August 24 ang ika-18 kaarawan ni Sam ngunit wala ang inang si Sunshine dahil nasa lock-in taping ito.

Sa mismong kaarawan niya ay ang amang si Cesar ang kasama nito pati na ang kanyang half-siblings at ang partner ng ama na si Kath Angeles.

Read: Sam Cruz celebrates 18th birthday with dad Cesar Montano’s new family

Noong Biyernes, August 26, nagkaroon ng engrandeng debut celebration si Sam sa Studio 300 boutique bowling alley sa Pasig City.

Read: Cesar Montano attends daughter Sam Cruz’s 18th birthday party

Sakto rin ang selebrasyon sa araw ng pag-alis ni Sunshine sa lock-in taping.

Kumpletong dumalo sa selebrasyon ni Sam ang kanyang mga kapatid na sina Angelina at Chesca Cruz, inang si Sunshine, at amang si Cesar.

Kasama ni Sunshine sa selebrasyon ang boyfriend nitong si San Juan City Councilor Macky Mathay III.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama naman ni Cesar ang partner na si Kath sa pagtitipon.

Sa kanyang Facebook kahapon, August 28, nag-post si Cesar ng mga larawang kuha sa bonding nila ng anak sa isang river park at sa mismong debut nito sa Pasig.

Saad niya sa caption, “MY DARLING GENIUS OF A GIRL! HAPPY BIRTHDAY SAMANTHA ! I LOVE YOU! GOD BLESS YOU!”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Maraming netizens at mga malalapit kina Sunshine at Cesar ang natuwa sa maayos na pakikitungo ng ex-couple sa isa’t isa.

Kabilang na sa kanila sina Macky at ang dating partner ni Cesar na si Teresa Loyzaga.

Read: Teresa Loyzaga, Macky Mathay react to reunion of Sunshine Cruz, Cesar Montano, and their kids

Sa kanyang Instagram ngayong araw, August 29, nagbahagi rin si Kath ng mga larawang kuha sa debut ni Sam.

Aniya, “True happiness, pure joy, sweet bounties are contained within the knowledge and love of God.”

Kath Angeles on Sam Cruz's 18th birthday

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

#lifestyle-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

a {
color : #D60248;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Previous post France to Introduce Biometric Health Cards
Next post Communication Professor Reacts to Bill Gates Epstein Interview