Bride, napahagulgol nang malamang board passer sa mismong wedding day

Doble ang saya ni Jolina Joyce Sanchez-Castillo, 24, nang malaman niya sa mismong araw ng kanyang civil wedding na pumasa siya sa board exam.

Noong March 11, 2022, si Joyce ay nasa loob ng kanyang bridal car nang makatanggap siya ng video call mula sa kanyang lecturer na si Prince del Rosario.

READ: Meet Prince Del Rosario, “lucky charm” ng board examinees sa San Fernando, La Union

Nanlalamig at pawis na pawis ang mga kamay ni Jolina dahil nakailang missed call na ang kanyang lecturer, na, it turned out, babatiin pala siya sa kanyang “double victory” sa araw na iyon.

Jolina Joyce Sanchez

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ipinost na video ni Jolina, makikitang pagbaba niya ng sasakyan ay niyakap niya ang kanyang mga mahal sa buhay at wala siyang tigil sa pag-iyak.

Nakasuot ng puting gown si Jolina at hawak-hawak ang flower bouquet.

Ang nakakatawang caption niya, “Natakot ang nanay ko sa aking pag-iyak. Akala nila na 1,2,3 ako.”

jolina joyce sanchez castillo

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

May parte ng video kung saan makikita si Jolina na napaupo sa sahig at napahagulgol na parang bata.

Matagal at mahirap ang paglalakbay ni Jolina para makamtan ang kanyang “double victory.”

WORKING STUDENT

Nagtapos ng bachelor’s degree in elementary education mula sa The Adelphi College – Lingayen sa Pangasinan noong October 25, 2019.

Bunso sa anim na magkakapatid, si Jolina lang ang nag-iisang college graduate ng kanilang pamilya. High school ang naabot ng kanyang ibang mga kapatid.

Akala nga niya noon ay hindi na siya makakapag-aral sa kolehiyo.

“Wala pong trabaho yung nanay ko, tatay ko,” kuwento ni Jolina sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong November 2, 2022.

“Pero dahil sa kagustuhan ko po talaga mag-aral, kahit walang tumulong…pumasok po ako sa canteen, nagtrabaho po ako doon.

“Pag vacant ko po, pumupunta po ako sa bayan, sa Lingayen.

“‘Tapos nagtatrabaho—naghuhugas ng pinggan, nagsi-serve.”

Bukod pa rito, pinagdudahan ng ibang mga kamag-anak ang kakayahan ni Jolina.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabihan siyang hindi makakapagtapos dahil wala namang trabaho ang kanyang mga magulang, at mag-aasawa siya nang maaga.

“Sabi ko sa sarili ko, ‘Someday makikita nila na masusuot ko yung itim na toga at makakapagturo ako.’”

jolina joyce sanchez castillo

Matindi ang pressure na naramdaman ni Jolina.

“Yung pressure talaga sa akin 100 percent, kasi po mga tita ko po, mga pinsan ko po, lahi po talaga ng mga teachers.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“So sabi ko, ‘Paano pag di ko nagawa? Paano pag sa unang exam ko di ako makapasa? Sigurado tatawanan nila ako.’

“Pero hindi ko na inisip nung nag-exam ako, tinanggal ko na iyan, basta focus lang po ako sa exam.”

Abot-abot din daw ang dasal na ginawa ni Jolina.

POSTPONED BOARD EXAMS

Matapos maka-graduate, hindi agad natapos ang stress ni Jolina.

Inabot siya ng dalawang taon bago nakapag-take ng Licensure Exam for Teachers (LET).

Aniya sa PEP.ph, “Kasi po tatlong exams po na na-postpone dahil sa pandemic.”

Nagsimula siyang mag-review noong November 2019 para sa March 2020 board exam, ang panahon nang magsimula ang pandemya.

Na-move ang exam ng September 2020, pero naantala muli. Muli itong na-reschedule ng March 2021, pero nakansela rin.

Naka-schedule siyang kumuha ng September 2021 subalit eight months pregnant siya noon at naging maselan ang pagbubuntis.

Kaya’t hiniling niya sa Professional Regulation Commission na ma-reschedule siya. Pinayagan naman siya at na-reschedule ang exam niya sa January 2022.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento pa ni Jolina, habang nagre-review sila via Zoom noon, madalas umiiyak ang kanyang sanggol.

Naging maunawain naman ang kanyang lecturer, pati na rin ang kanyang pamilya at kapatid na babae na tumulong sa pag-aalaga ng kanyang anak.

MOVED WEDDING SCHEDULE

Noong March 4, 2022, nagpa-schedule ng civil wedding si Jolina at ang kanyang partner na si Marvin, isang seaman.

Itinaon nila ang civil wedding sa araw na iyon para maikasal sila bago umakyat ng barko si Marvin.

Nang magpunta sa munisipyo para sa seminar ilang araw bago ang kasal, inabisuhan silang kanselado ang kasal dahil hindi available ang alkalde.

Ni-reschedule nila ito ng March 11, 2022. Sa isip-isip daw ni Jolina, hindi niya alam kung bakit may ganoong pangyayari.

Yun pala, isang malaking sorpresa ang naghihintay sa kanya.

“Pagkatapos ng kasal po, sumakay ako sa bridal car. ‘Tapos tumawag si Sir Prince, wala akong idea.

“Nung nalaman ko po iyon nasa sasakyan po ako. Niyakap ko na yung ate ko. Nung time na nagre-review ako, todo support iyon sa akin.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Siya nag-aalaga sa anak ko pag nagre-review ako.”

Pagkababa sa sasakyan ay niyakap ni Jolina ang kanyang pamilya.

“Kakatapos lang ng kasal, akala nila na-1-2-3 kami or nawalan ng pera,” nangingiting sabi ni Jolina.

jolina joyce sanchez castillo

RIGHT TIMING

Hindi raw maipaliwanag ni Jolina ang kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Gusto kong tumakbo, sumigaw kasi nga sa family nga namin, ako lang po yung nakapag-college. Masayang-masaya po ako.”

Sa mga kagaya niyang nagre-review na may pinagdadaanan, may payo si Jolina.

“Huwag nilang hayaan na ma-down sila ng ibang tao kasi si God po nandiyan palagi.

“Naka-plan na iyan kay God, at naniniwala rin po ako doon sa Bible verse na Isaiah 60: 22 – ‘When the time is right, the Lord will make it happen.’

“Kasi po may perfect timing po ang lahat. Kagaya ko po, di ba?

“March 4 ang wedding ko, ‘tapos na-move ng [March] 11 na hindi ko alam kung bakit.

“’Tapos ayun pala. Yun ang perfect timing ni God sa atin.”

Dagdag niya pa, “Ituloy lang po nila ang mga pangarap nila.

“Walang pandemya na makakapigil para ituloy nila ang mga pangarap nila.”

Sa ngayon ay isang tutor si Jolina habang hinihintay ang development sa kanyang job applications.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Read:

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Message for the people of the Netherlands from Ickonic … (Please share)
Next post Message To The Morons In Uniform – Your Fascism Will Return To Haunt You – David Icke Dot Connector