Bianca Lapus glad to have amicable co-parenting set-up with Vhong Navarro

“Stage parents” sina Bianca Lapus at Vhong Navarro nung dumalo sila sa graduation ng anak nilang si Yce, na bakas sa kanyang mukha ang lubos na kasiyahan.

Ang kuwento ni Bianca sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) during the launch of their magazine Top Shelf, “Alam mo yung anak ko, ano siya, vocal din siya. Pero yung nakikita niya kami, alam ko in my heart, kinikilig siya. Natutuwa siya na, ‘Oh my God. Magkaibigan talaga ang parents ko.’

“Kasi ang dami niyang mga kaibigan na kunyari nandoon yung parents, pero magkahiwalay.

“Halimbawa, um-attend sila pareho ng graduation, pero magkahiwalay, or yung isa a-attend, yung isa wala.

“Pero siya, nandoon kami, magkatabi. Sabay kami nagbi-video, nagpi-picture. Nag-family picture kami.

“So parang alam ko na sobrang saya ng anak ko hindi lang dahil grumadweyt siya.”

Proud si Bianca dahil muntik nang grumadweyt with Latin honors sa University of Santo Tomas ang binata niyang anak.

Continue reading below ↓

Aniya, “Matataas kasi ang grade noon. Lagi siyang Dean’s Lister. Pero hindi niya naabot yung goal niya na mag-cum laude. May konting-konting ano lang na di umabot.

“Sabi ko nga sa kanya, ‘Hindi importante yun. Bonus na mataas ang grades mo. Bonus na Dean’s Lister ka. Pero ang importate sa amin, lumaki ka na puno ng pagmamahal. Lumaki ka na naging mabuting kang tao.

“‘Sobrang yun yung greatest reward namin na nakatapos ka at lumaki ka na mabuti kang tao.'”

Pagkatapos ng graduation ceremony, nagkaroon ng pagkakataong mag-bonding sina Bianca, Vhong, at Yce.

Lahad ng dating aktres: “Kumain pa kami after. Naloka talaga siya. Tuwang-tuwa siya.

“Hapon na kami natapos magtsikahan. Imagine, alas-syete ng umaga yun. pero hapon na kami natapos. Hapon na kami nakauwi. Isang sasakyan lang kami papunta doon sa restaurant.

“Nakita ko talaga yung ano… parang mas doon ako naiyak sa parang nakikita ko ang mata ng anak ko. Tinitingnan niya kaming dalawa.

“Kasi yung anak ko, ako ang nagpalaki diyan, e. So kilalang-kilala ko ang kilos niya, talagang mga tinginan niya sa daddy niya, titingnan niya ako nang pasimple.

“Alam ko na sobra ang saya niya. Hindi lang dahil grumadweyt siya. Masaya siya dahil nakita niya na magkakasama kaming tatlo.”

Continue reading below ↓

Bianca Lapus, Vhong Navarro, Isaiah Navarro

Sentimental na kuwento pa ni Bianca: “Nagga-gathering naman kami, pero magkakasama lahat. Pero eto talaga, solo moment ng anak ko na makasama kami ni Vhong.

“Kaya na-feel ko talaga na sobrang saya niya. Kaya mas eto yung iniyakan ko.

“Although, naiyak din kami sa tuwa na nakatapos siya [Yce].

Continue reading below ↓

“Lalo na si Vhong, [naiyak]. Alam naman natin na di siya nakatapos. ‘Tapos, naka-two down na siya, e. Dalawang anak niya natapos na.”

Ang tinutukoy ni Bianca na isa pang anak ni Vhong na grumadweyt rin sa University of Santo Tomas ay si Fredriek Navarro. Anak ni Vhong si Fredriek sa non-showbiz ex-girlfriend na si Ann Shara.

Taong 2020 pa nakatapos sa college si Fredriek, pero ang graduation rites sa UST ay naganap nito lang June 14, 2022.

“Sa UST kasi, pinapa-graduate din nila yung mga nagtapos during pandemic,” paliwanag ni Bianca.

Continue reading below ↓

BIANCA ON CO-PARENTING WITH VHONG

Samantala, malaking bagay na naipaliwanag mabuti ni Bianca kay Yce ang co-parenting set-up nila ni Vhong.

Paano niya ito sinabi?

Heto raw ang madalas na sinasabi ni Bianca kay Yce: “Ibig sabihin, walang pagsisisi kung ano yung nangyari sa amin ng daddy mo kasi napalaki ka namin nang nag-co-parenting kami. Napalaki ka naming na busog ka sa pagmamahal.”

Taong 1998 nagpakasal ang dalawa sa Floridablanca, Pampanga. Taong 2005 nag-file si Vhong ng annulment case. Taong 2008 na-annul ang kasal nila. Nauwi man sa hiwalayan ang pagsasama nina Bianca at Vhong, naayos nila ang mga gusot pagdating sa pagpapalaki kay Yce.

“Nagdesisyon kaming dalawa na maging magkaibigan, di ba?

“Ayaw naming gumaya sa iba na nag-iiringan, nag-aagawan, nag-eeksena, bida-bida. Walang ganoon.

“Or, ‘O, itatago ko si Ice. Hindi mo siya makikita,’ walang ganoon sa amin ni Vhong.”

Ayon pa kay Bianca, aminado naman si Vhong na nagkulang siya sa financial support kay Yce noon.

“Inamin naman niya na late bloomer siya na dad. Pero para sa akin, sapat na yun. Kahit late bloomer siya, walang late-late for me.

“The fact na binago mo ang sarili mo, na magpapaka-ama at tutuparin mo ang mga obligasyon mo ke years after pa iyan, ang importante sa akin nagdesisyon ka na magpaka-ama.

“Sabi nga sa ‘Broken Marriage Vow’ na kanta, di ba? ‘Walang pagsisisi dahil minahal kita.’ May ganern, oo!

Continue reading below ↓

“Pero at least kami, di ba, kahit broken marriage ang nangyari sa amin, e, nagdesisyon kaming dalawa na magpaka-mature at maging magkaibigan.”

Naniniwala si Bianca na malaking bagay din sa magandang samahan nila ni Vhong ngayon ang kani-kanilang partner sa buhay.

May tatlong anak si Bianca at ang partner na si Jimmy Velasquez.

Si Vhong naman at kasal kay Tanya Bautista.

Vhong Navarro and wife Tanya, kids Yce and Fredriek, ex-wife Bianca Lapus and her partner Jimmy Velasquez

Continue reading below ↓

Lahad pa rin ni Bianca sa PEP.ph: “It goes with our age and in our experiences. Masaya kami na nakatagpo kami ng right partner na…

“Kasi napag-usapan namin yun nung graduation na, ‘Paano yun?’

“Kasi nga, nakikita rin niya, pag nakikilala ako, siyempre hindi na ako masyadong active, di ba?

“‘Tapos bigla ak’ng makikilala ng iba, ‘Si Bianca Lapus? ‘Iyan yung wife ni Vhong.’

“Hindi pa nga ex-wife, e. Wife ni Vhong lagi ang kasunod kahit saan ako magpunta. Laging, ‘Ah, yung asawa ni Vhong.’ Laging ganoon ang kadugtong sa pangalan ko.

“Sabi niya, ‘Ano’ng napi-feel ni Jimmy?’ Sabi ko, ‘Siguro ganoon din yung napi-feel ni Tanya.'”

Sabay natawang bulalas ni Bianca, “Oo, napag-usapan naming yung mga ganoon! Nakakaloka!

“Pero yun, parang natuwa lang kami na napag-usapan namin yung mga ganoong bagay.

“Sabi ko nga, ‘Ang bait ni God kasi hinayaan Niya tayong maging makaibigan at binigyan Niya tayo ng perfect partners na makakaintindi sa sitwasyon natin, kung sino tayo, na deadma na sila.'”

Continue reading below ↓

Hindi raw talaga isyu sa partner ni Bianca ang nakaraan niya.

“Minsan nga, nasa mall kami, nagho-holding hands kami habang nag-gro-grocery.

“Kaakbay ko na ang asawa ko, ha. Talagang sasabihin pa rin, ‘Ay, si Bianca! Yung asawa ni Vhong,’ na nandoon lang si Jimmy. Pero deadma lang siya.”

Maayos din ang komunikasyon ni Bianca sa misis ni Vhong na si Tanya.

“Even si Tanya nag-congratulate rin nung grumadwyet si Yce, ‘Congratulations to the proud parents.’ Sinagot ko siya doon sa Instagram.

“Sabi ko, parang, ‘Congratulations to us. You’re also a big part of this journey,’ ginanoon ko.

“Kumbaga, in-acknowledge ko na hindi namin mapapalaki ang anak namin kung wala sila.

“Lagi ko ngang sinasabi kay Yce, ‘Suwerte ka dahil apat na ang parents mo. Hindi lang kami ng daddy mo, apat kami.'”

#lifestyle-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

a {
color : #D60248;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Previous post Court grants TRO vs Victor Consunji after attempting to kick out Maggie Wilson from Taguig home
Next post Neom: Saudi Arabia To Build The World’s Largest Smart City In History