Badjao Floating integrated School sa Basilan, paaralang nagsimula sa isang balsa

Nagsimula ang Badjao Floating Integrated School sa Malamawi Island sa Isabela City, Basilan, na ang ginamit na classroom ay isang balsa.

Dahil sa mabuting hangarin, nakipagtulungan ang sangay ng pamahalaan at private sectors para ang isang balsa ay maging ganap na paaralan.

“Literal na floating school talaga, as in balsa lang talaga yung school nila na naka-angkla lang sa malaking bato,” kuwento ni Carl Angelo Jalon, guro sa Badjao Floating Integrated School.

“So maraming mga project from DepEd [Department of Education], may partnership sa ibang stakeholders po na nag-donate po ng building sa Badjao Floating po…”

Unti-unting itinayo ang mga istruktura at mga classrooms.

Sa ngayon, ang paaralan ay mayroon nang 1,100 students at 43 teachers.

floating school

Continue reading below ↓

Pero bakit floating school pa rin ito?

“Floating school talaga yung school namin kapag high tide siya. And kapag low-tide naman po, makikita niyo po yung mga structure ng mga poste po doon sa school namin.”

Gaya ng kanilang mga bahay, ang school na nasa komunidad ng mga Badjao sa Basilan ay itinayo sa paanan ng dagat, kaya’t sinusuportahan ito ng mga poste para umangat at hindi lumubog kapag tumataas ang tubig sa dagat.

Pero bukod sa impeovement sa pasilidad, kahanga-hanga rin ang sakripisyo ng mga guro para maiangat ang kalidad ng edukasyon ng mga bata.

Sabi ng gurong si Carl Angelo, nais nilang patunayan na ang Basilan ay hindi lang lugar ng mga rebelde o “lawless elements” na naging reputasyon nito sa media.

Read Also: Meet Lolo Delfin, retired Pisay teacher na nagtuturo sa kalsada: “Teachers never grow old.”

THE CHALLENGE IN THE WAKE OF PANDEMIC

Pero isang hamon ang hinarap nila nang mangyari ang pandemic. Gaya ng maraming schools, nahinto ang face-to-face classes.

Continue reading below ↓

Naging hadlang ito sa learning progress ng mga bata.

Sabi ni Carl Angelo, karamihan kasi sa kanilang mga estudyante ay mga Badjao na ang mga magulang ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral.

Kasunod ng pandemya, napansin nilang nag-deteriorate ang academic performance ng mga estudyante.

Maging sa mga modules ay bumaba ang kanilang mga grado.

Obserbasyon ni Carl Angelo: “For compliance na lang po kasi yung ginagawa nila para may maisagot lang at maipasa.

“May mga estudyante na Grade VI na, hindi marunong magbasa. Ang reading ability nila ay Grade I or Grade II.

“Grabe yung epekto ng COVID mostly sa aming community sa Badjao Floating [school] po.”

Paliwanag pa ng guro, marami sa mga magulang ay pinapatulong na lang ang kanilang mga anak sa paghahanap-buhay, katulad ng pangingisda at pagbebenta ng mga isda sa palengke.

“Dahil doon napapabayaan ang pag-aral,” ani Carl Angelo.

Badjao house

Continue reading below ↓

badjao school

(Top photo) Carl Angelo Jalon rides a boat to visit Badjao students.(Bottom photo) Carl Angelo teaches a Badjao in reading.

Ang solusyon ni Carl Angelo, sampu ng kasamahan niyang mga guro, ay house visits.

Sakay ng bangka, isa-isa nilang binibisita ang mga estudyante para turuang magbasa.

Tinawag nila itong “Sail to Literacy” na nagbibigay-importansiya sa reading ability ng mga estudyante.

Continue reading below ↓

Napag-alaman din ni Carl Angelo na mas pabor dito ang mga magulang dahil nakita nila ang improvement sa reading skills at reading comprehension ng kanilang mga anak.

“Pagdating mo mismo sa bahay, makita mo yung nanay or yung mga estudyante na grabe yung ngiti na sasalubong sa iyo, na parang priceless yung ngiti, at yung pag-welcome nila.”

Isinusulong din nilang magkaroon ng secondary level ang kanilang eskuwelahan. Kadalasan daw kasi, matapos mag-aral sa elementary at nag-aasawa na ang mga estudyante.

“Ayaw nilang mag-proceed ng high school sa mainland kasi po binu-bully lang sila ng ibang mga tao doon sa mainland sa Isabela,” sabi ni Carl Angelo.

“Pinush talaga ang Badjao Floating Integrated School para magkaroon sila ng secondary level sa aming paaralan.

“Kahit Grade 7, Grade 8 or Grade 9 na sila, still nandiyan pa rin sila sa kanilang community.”

Hangad daw ni Carl Angelo na “ipakita sa mga tao sa buong Pilipinas kahit from Basilan, kaya po naming maghatid ng quality education, lalo na sa aming mga kapatid o mga estudyanteng Badjao.”

Continue reading below ↓

Mensahe ni Carl Angelo sa mga kapwa niya guro: “We are the silver lining amidst this pandemic, so let’s continue to give hope and spread positivity sa mga estudyante, and let them feel they are important.”

Sa mga estudyante naman, ani Carl Angelo: “Tayo pa rin ang tutulong sa ating mga sarili para maingat, ma-pursue ang ating pangarap sa ating buhay.”

Narito ang buong kuwento:

#lifestyle-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

a {
color : #D60248;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Previous post The Biggest Secret – £12/$12 All Weekend
Next post Pay With Face: Mastercard Rolls Out Global Biometric Payment System