Attorney Iluminada Muñoz Vaflor Fabroa, 82, oldest female climber ng Mount Apo

Sa edad na 82 anyos, natupad ni Attorney Iluminada Muñoz Vaflor Fabroa ang kanyang lifelong dream na maakyat ang highest peak ng Mount Apo.

Bago matapos ang 2022, pinarangalan ng Digos City si Atty. Iluminada bilang oldest female climber ng Mount Apo, ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas.

Proud na proud naman ang kanyang pamilya at mga katrabaho sa General Mariano Alvarez Water District (GMAWD) sa achievement na ito.

Sa post ng katrabahong si Juliet Nacita noong December 5, 2022, kinilala niya ang talino at lakas ni Atty. Iluminada bilang kanilang chairman sa GMAWD.

Bahagi ng post ni Juliet, published as is: “Madalas naming siyang biruin tuwing board meeting ‘Chairman Alien ka ba? Kasi ang linaw pa din ng mata mo at ang talas ng pandinig mo. At higit sa lahat ang dami mo nang inakyat na bundok and still practicing your profession as CPA-Lawyer.’’’

Ulat ni Mariz Umali sa Dapat Alam Mo! nitong January 3, 2023, marami nang naakyat na bundok ang abogada simula noong siya ay bata pa.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

At masayang-masaya ito na ang matagal na niyang pangarap na summit ng Mount Apo ay naabot niya sa kanyang mismong ika-82 kaarawan.

Ani Atty. Iluminada, “Parang culmination na lang ito at this time kasi marami na akong naakyat.”

THE 3-DAY BIRTHDAY HIKE TO MOUNT APO

Tatlong araw ang ginugol ni Atty. Iluminada sa pag-akyat ng tuktok ng Mount Apo, mula November 30 hanggang December 2, 2022.

Kasama ng kanyang mga anak at manugang, at kaagapay ang dalawang guide, na-conquer nila ang tuktok ng bundok na 3,146 meters above sea level ang taas mula sa Digos-Kapatagan Trail.

Challenging daw ang kanilang naging journey dahil sa malakas na hangin, mga pag-ulan, at malamig na klima.

Pero napagtagumpayan nila ito.

Sa isang interview ng Digos City government matapos ang successful climb, ipinahayag ni Atty. Iluminada ang kanyang kasiyahan hindi lamang sa pag-set ng record, kundi sa mismong pag-abot sa summit.

Aniya, “If you are in the summit, the summit of a mountain, it’s a different feeling. You feel like you are the beneficiary of God’s beautiful creation.”

CONTINUE READING BELOW ↓

NOOD KA MUNA!

Ang susunod sa bucket list ni Lola: skydiving!

Ito raw ang nais niyang ma-experience this 2023.

OLDEST MALE CLIMBER NG MOUNT APO

Samantala, ang 83 anyos na magsasakang si Lolo Casio Carcedo naman ang itinanghal na oldest male climber ng Mount Apo sa pamamagitan ng Sta. Cruz Trail, ulat pa rin ng GMA News.

Ayon sa tour guide na si Lito Palao, apat na buwang paghahanda ang ginugol ni Lolo upang maging fit sa pag-abot ng summit.

Katuwang si Lito ay nagkaroon si Lolo Casio ng proper training at sapat na kagamitan na susi sa kanyang matagumpay na pag-akyat sa tallest peak.

Ang Sta. Cruz Trail umano ang pinakamahirap sa apat na landas paakyat ng Mount Apo dahil mabato at matarik ito.

Bukod sa Digos-Kapatagan at Sta. Cruz Trail, maaari rin maabot ang summit sa pamamagitan ng Kidapawan Trail at Mount Talomo Trail.

Kuwento ni Lolo Casio sa Dapat Alam Mo!, “Sobrang saya ko at narating ko ang tuktok ng bundok.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

At dahil diyan ay plano nitong akyatin muli ang Mount Apo sa taong ito.

Casio Carcedo Mt. Apo

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post ‘Enough’: Australian newspaper The Age, once compliant and supportive of Andrews fascism, comes out against extended lockdown in fiery editorial
Next post Kristzan Karlo Delos Santos is first runner-up at Mister Grand International 2022